Raymond Gutierrez manipis ang cornea

Matitigil na marahil ang mga lumulutang na balita na lilipat ng TV5 ang longest-running noontime show na Eat Bulaga dahil sa pagiging visible sa Kapatid Network nina Vic Sotto at Joey de Leon na may kanya-kanyang programa sa nasabing istasyon. Although sa December 2012 pa mag-i-expire ang kontrata ng TAPE, Inc. (producer ng Eat Bulaga) sa GMA 7, muling lumagda ang TAPE, Inc. sa pamumuno ng pangulo ng kumpanya na si Tony Tuviera ng karagdagang kontrata na muling magpapahaba ng kanilang business partnership with GMA hanggang taong 2015.

Ang Eat Bulaga ay ma­higit 30 taon nang namamayagpag sa ere bilang pinakamatagal na noontime program with Tito, Vic, and Joey as the original main hosts.

* * *

Katatapos lamang nung unang linggo ng Enero ng taong kasalukuyan ang 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) na naka-gross ng mahigit P600 M, pinakamalaking gross sa kasaysayan ng MMFF at inaasahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman na si Atty. Francis Tolentino na malalagpasan ito ng darating na MMFF na muling magsisimula sa December 25, araw ng Pasko.

* * *

Tuwang-tuwa ang actress at host ng programang Spoon na si Janice de Belen dahil back to 20/20 na ang kanyang vision matapos siyang sumailalim ng lasik eye surgery sa Shinagawa Lasik and Aesthetics na matatagpuan sa Mezzanine ng Tower 2 ng The Enterprise Center sa Ayala Avenue, Makati City nung nakaraang Sabado, Marso 12.

Nagpa-lasik screening na rin si Raymond Gutierrez pero ang kanyang left eye lamang ang pumasa for lasik operation dahil manipis ang cornea ng kanyang right eye. Hindi naman nakumpleto ang lasik screening ng Bb. Pilipinas-International na si Krista Kleiner dahil nakasuot ito ng contact lenses. 

Kailangan palang ipahinga ang mga mata sa loob ng ilang araw without contact lenses bago sumailalim ng lasik screening. Nagkataon naman na busy si Krista sa iba’t ibang commitments kaya hindi niya puwedeng alisin ang kanyang contact lenses.

Tuwang-tuwa naman si Yasmien Kurdi dahil hindi na siya kailangang sumailalim ng lasik operation dahil strained lamang ang kanyang mga mata kaya minsan malabo ang kanyang paningin. Malaki pala Salve A. ang naitutulong ng lasik screening dahil dito malalaman ang tunay na kundisyon ng iyong pa­ningin.

Ang Shinagawa Lasik ay siyang pinakamalaking intralasik eye surgery provider sa buong mundo at sa Japan na ngayon ay available na rin sa Pilipinas sa presyong abot-kaya.

Bukod sa lasik, dinarayo na rin ang Shinagawa sa kanilang most advanced non-surgical aesthetic services tulad ng Titan, Genesis, at Candela (for dehairing), cellulite treatment, at iba’t ibang cosmetic enhancements. Ang ilang celebrities na dumarayo sa Shinagawa Lasik and Aesthetics ay sina Pops Fernandez, Priscilla Meirelles, Ara Mina, Rita Avila, Sunshine Cruz, Jay-R, Francine Prieto, at iba pa.

Show comments