^

PSN Showbiz

Phil Younghusband biglang naging habulin ng babae

- Veronica R. Samio -

Para namang sobrang paghanga kay Phil Younghusband ang tila pag-aagawan sa kanya ng mga kilala at magagandang babae rito sa atin, mapasa-showbiz man o hindi. Hindi naman ganito ka-eager dati ang mga babae na mapalapit o ma-link sa kanya. Katunayan kung ganung napakaraming babae ang fans niya sana hindi siya natalo ni Tessa Prieto Valdes sa Celebrity Duets noon.

Kahit gaano pa ang pagbabawal ng marami na huwag seryosohin ni Angel Locsin ang imbitasyon niya nung Valentine’s Day, sumama pa rin itong lumabas sa kanya, sa ibang araw nga lang. At hindi lang miminsan.

Lumabas din ang claim ng isang character actress na idini-date ng FilBritton ang kanyang anak na ipinaliwanag naman ng Azkals member na friendly outing lang, hindi romantic dates. At hindi raw niya nililigawan ang anak ng aktres, magkaibigan lang sila.

Nung nasa Celebrity Duets siya ay nabanggit niya na crush niya si Rhian Ramos. Buti na lamang at taken na ni Mo Twister ang Kapuso actress dahil kung hindi ay makakabilang pa ito sa mahabang listahan ng mga babae sa buhay ni Phil.

* * *

Kung napaiyak ako ni Joseph the Sand Artist dahil sa kanyang sand artistry, araw-araw naman akong umiiyak kapag nakikita ko ‘yung napakaraming tinutulungan ng Eat Bulaga sa kanilang programa.

Nakatutuwang binibigyan nila ng pag-asa ang mga umuuwing OFW from the war torn countries in the Middle East.

Ako rin sana ay magkaroon din ng pagkakataon na matulu­ngan ‘yung mga whistleblower na napanood ko sa TV na matapos sumalang sa witness stand ay parang nakalimutan na ng pamahalaan ang kanilang existense eh, may pamilya rin silang dapat suportahan at mga anak na dapat papag-aralin.

‘Yun ba ang sukli ng gobyerno sa paglalagay nila ng kanilang buhay sa pa­nganib para lamang mailabas ang totoo?

ANGEL LOCSIN

AZKALS

CELEBRITY DUETS

EAT BULAGA

JOSEPH THE SAND ARTIST

MIDDLE EAST

PHIL YOUNGHUSBAND

RHIAN RAMOS

TESSA PRIETO VALDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with