^

PSN Showbiz

Ciara at ang magaling mag-drawing sa buhangin panalo sa TP

- Veronica R. Samio -

Mukhang nagkaisa ng panlasa ang 10 hurado at ang milyun-milyong texters na pumili sa isang visual artist para maging pangalawang Ultimate Talentadong Pinoy sa ginanap na dalawang araw na Battle of the Champions sa Ynares Center, Antipolo.

Ang sand artist at biktima ng polio na si Joseph Erwin Valerio ang unanimous choice ng lahat para pagkalooban ng titulo, P1M na cash, bagong kotse, isang four-year scholarship at ang pagkakataong maging kinatawan ng Pilipinas sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood. Tinalo niya ang magagaling ding pole dancer na si Sfazhiva, ang beatboxer na si Beatbox Gor, ang Broadway princesses na The Believers, ang Newborn Divas, ang acrobat partners na Xion Show, ang male dancers na Fire Attraction, ang dancing duo na RR Friends, at ang wildcard finalist na Belinda Adora’s Step Up Kids.

Kay Joseph isinalin ang pangalawang titulo ng Talentadong Pinoy na unang napanalunan ng yoyo master na si Joshua Davis. Isang mahusay na artist si Joseph na gusto sanang kumuha ng Fine Arts pero dahil sa kahirapan ay pinilit ng ama na pakunin ng mas madaling matapos na vocational course para makatulong sa pamilya.

Natuklasan ni Joseph ang pambihirang talent sa pagdo-drawing sa buhangin matapos mabiktima ng bagyong Ondoy. Pero magaling na talaga siyang mag-drawing. Habang minamalas ang napakalaking perwisyo na idinulot ng bagyo sa pamamagitan ng dala nitong malaking baha na na­ging putik at nang matuyo ay naging buhangin, sumilang ang kanyang sand art na nagpaiyak sa maraming nakasaksi nito, kasama na ang mga hurado at manonood sa grand finals ng pinaka-pangunahing programa ng TV5.

Kasabay ng panalo ni Joseph ang pagkakapili naman kay Ciara Sotto bilang winner sa Celebrity Edition ng Talentadong Pinoy na ginanap sa ikalawang araw ng Battle of the Champions at nilahukan ng apat na mga kilalang personalidad tulad ni Rosanna Roces na nagpamalas ng husay sa pagda-drums, Valeen Montenegro na gumawa ng napaka-hirap na fire dance, Regine Tolentino na bukod sa pagsasayaw ay nag-rap pa sa Tagalog at ang napaka-seksing pole dancing ni Ciara. Marami nang nakapanood sa talentong ito ng anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa pero nun lang nakita kung gaano siya kahusay. Ang pagsasayaw niya ay sinabayan pa ng pagkanta na lalong nagpanalo sa kanya. For her effort, Ciara got P100,000.

Katulad ng nangyari nung unang gabi, marami pa rin ang umasam na makita si Nora Aunor, muli ay nabigo sila. No show din si Judy Ann Santos na ang bagong product endorsement ng isang gatas ay napanood na sa TP at sa maraming palabas sa telebisyon.

Regine at Charice nakasama na ni Thia sa concert sa US

Hndi ko makikilala ang Fil-Am na si Thia Megia na isa palang finalist sa kasalukuyang ginaganap na American Idol (AI) kundi sa apo kong si Macmac na avid viewer ng nasabing singing search.

Paano wala ng permanenteng araw o oras ng pagpapalabas nito dito sa atin at hindi naman ako nakakaupo ng matagal sa harap ng telebisyon para manood ng kahit isang buong palabas lamang.

Kasama sa 12 finalists ng AI ang 15 years old na si Thia, bunso sa apat na magkakapatid, na ang mga magulang ay parehong taga-Angeles, Pampanga at pumunta ng US nung 1968. Taga-San Joaquin, California si Thia na hindi na nahintay ang audition sa kanyang lugar. Sa Milwaukee, Wisconsin pa lamang ay nag-audition na siya. Hindi sana siya makakasali sa taong ito kung hindi ibinaba ng AI ang minimum age requirement sa 15.

May iba pang mga Pinoy na kumuha ng audition pero siya lamang ang pinalad. Ang orihinal na spelling ng kanyang apelyido ay Mehia, ginawa lamang itong Megia ng kanyang ama.

Kilala ni Thia sina Charice at Regine Velasquez na nakasama na niyang mag-perform sa mga ginawa nilang concert sa US. Sumali na rin si Thia sa America’s Got Talent nung 2009.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BATTLE OF THE CHAMPIONS

BEATBOX GOR

BELINDA ADORA

CELEBRITY EDITION

CHARICE

CIARA

CIARA SOTTO

TALENTADONG PINOY

THIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with