MANILA, Philippines - Ang Tanduay Distillers, Inc. ay muling maglulunsad ng kanilang biggest nationwide tour sa bansa simula March 25 (Biyernes) sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang Tanduay First Five tour ay pupunta sa 30 cities sa buong bansa. On its third year, pinagsama-sama ng Tanduay ang biggest line up ng mga banda sa Philippine music history.
“We owe it to our loyal consumers. This is our way of thanking them for their continued patronage that has made us the country’s number one rhum,” sabi ni Andres Co ng Tanduay.
Ang 2011 Tanduay First Five nationwide concert tour ang masasabing loudest, biggest, and most-anticipated concert tour sa bansa. Pag-uusapan din ito ng husto dahil kasama sa series ang Wolfgang na magpe-perform uli sa tour matapos ang walong taon.
Ang iba pang banda na kasama sa concert tour ay ang Parokya ni Edgar na kilala rin bilang “Pambansang Banda ng Pilipinas” at Kamikazee.
Nagbabalik naman for the third time in a row ang Chicosci at Sandwich.
Ang Tanduay ay nabigyan na ng 131 international awards dahil sa kanilang world-class na inumin at kasabay ng concert tour, ipatitikim din nila ang mga bagong produkto na babagay sa young market.
Abangan ang First Five tour sa inyong lugar: April 1 sa Marinduque; April 8, Masbate; May 6, Bayombong, Nueva Vizcaya; May 7, Tuguegarao, Cagayan; May 20, Bulan, Sorsogon; May 21, Legaspi City, Albay; June 24, Panobo, Davao; June 25, Davao City; July 8, Olongapo, Zambales; July 9, Angeles, Pampanga; July 15, Cebu City; July 16, Bohol; July 22, Ormoc; July 23, Tacloban; July 29, Marbel, Cotabato; July 30, General Santos; Aug. 19, Dumaguete; Aug. 20, Bacolod; Sept. 2, Dipolog; Sept. 9, Daet; Sept. 10, Naga; Sept. 23, Butuan; Sept. 24, Nabunturan, Compostela Valley; Sept. 30, Dagupan; Oct. 1, Baguio; Oct. 22, Cagayan de Oro; Dec. 2, Kalibo; at Dec. 3, Iloilo.