Movie nina Robin at Mariel kulang sa ingay?!

MANILA, Philippines - Galit pa rin si Annabelle Rama kay Heart Evangelista hanggang ngayon. Hindi pa niya limot ang ginawa sa kanya ng dating alaga na bigla-bigla na lang siyang iniwan matapos niyang bigyan ng maraming trabaho at sagipin sa naghihingalo nitong career noon.

Ang regret niya sa nangyari, naituro niya ang pasikut-sikot sa pagkuha ng project sa nanay ni Heart noong panahong parati pa silang magkasama.

Noon daw kasi, pati ang pakikipag-negotiate sa mga bossing ng GMA 7 ay diniskubre ng mader ng aktres kaya nang maramdaman nitong kaya na niyang makipag-usap na wala ang manager, nag-solo na.

Wish ni Annabelle Rama na hindi matulad sa dating alaga niyang aktres ang mga bagong pasok niyang alagang sina Jay Manalo, Karel Marquez, Berwin Meily and James Blanco.

Nag-sorry na dati pa si Heart sa dating manager pero obviously, hindi pa siya napapatawad.

Speaking of Berwin, payat-payatan siya ngayon. Todo raw ang ginawa niyang exercise – araw-araw siyang tumatakbo ng 20 kilometers. Kaya ang resulta, payat na katawan na ibang-iba kesa sa dati niyang matabang katawan.

Nasa GMA 7 pa rin siya hanggang ngayon.

* * *

Malapit nang ipalabas ang pelikula ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, pero parang walang masyadong ingay.

Kulang sa plugging ng trailer at intriga siguro dahil tahimik ang pagiging mag-asawa nila. Walang masyadong mapag-usapan.

Sayang, mukhang maganda pa naman ang pelikula.

Show comments