^

PSN Showbiz

Alma itinangging hiwalay na sa asawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tungkol pa rin sa lindol at tsunami ang pinag-uusapan kahapon sa showbiz. At least, nagpapakita ng genuine concern ang mga taga-showbiz sa mga nasalanta ng malaking lindol.

Hindi sila puwedeng pagbintangan na puro mga showbiz issue lang ang alam.

* * *

Sumipot na kahapon sa Startalk si Alma Moreno na hindi nakarating sa show namin noong nakaraang Sabado.

Idinenay ni Alma Moreno ang kumakalat na balita na hiwalay na sila ng kanyang dyowa na mayor ng Marawi City.

Naniniwala ako kay Alma dahil hindi siya marunong magsinungaling sa akin. Sinasabi niya kung true or false ang mga tsismis tungkol sa kanya.

Kasama ni Alma sa Startalk studio si Yeoj, ang panganay nila ni Joey Marquez.

Nalungkot ako nang makita ko si Yeoj dahil naalaala ko si Douglas Quijano.

Mahal na mahal ni Douglas si Yeoj as in tunay na anak ang turing niya sa bagets.

Kung nasaan man si Dougs, tiyak na natutuwa siya dahil binatang-binata na ang kanyang anak-anakan at malapit na itong magtapos ng college.

* * *

Mga guest din namin kahapon sa Startalk ang mag-asawang Nonito Donaire, Jr. at Rachel.

Napaluha si Nonito nang mapag-usapan ang away nila ng kanyang tatay na si Nonito Sr.

Nag-apologize siya sa kanyang fadir na nag-sorry din nang magkaharap sila.

Maayos na uli ang kanilang relasyon kaya happy na ang buong pamilya.

Kung noon pa sila nag-usap, hindi na sana lumala ang kanilang alitan. Na­damay pa tuloy ang media na nagsulat lang naman ng mga interbyu sa mag-amang Nonito Sr. at Nonito Jr.

* * *

Nagbakasyon sa Japan noong December 2010 sina Nonito Jr. at Rachel. Nalaman ko kahapon na si Papa Chavit Singson pala ang nagdala sa mag-asawa sa Japan at ipinakilala niya sa kanyang mga kaibigan.

Gaya ni Congressman Manny Pacquiao, suportado rin ni Papa Chavit ang boxing career ni Donaire.

* * *

Sa rami ng mga papuri ko kay Chabita, dapat na kaming magkita nang personal.

Inaalam ko na ang tunay na name ng bagets na favorite character ko sa Mutya.

Ang sabi sa akin ni Alfred Vargas na kasama sa serye na cute na bata si Chabita. Binago raw ang itsura ni Chabita sa Mutya para maging kapani-paniwala ang kanyang pagiging maldita.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ALMA MORENO

CHABITA

CHAVIT SINGSON

DOUGLAS QUIJANO

NONITO JR.

STARTALK

YEOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with