Teary-eyed si Karel Marquez habang sinasagot ang mga tanong ng press sa kanyang personal life sa presscon ng new talents ng Royale Artists Management, kung saan kasama na siya. Separated na pala ang aktres sa husband niya two weeks ago sa rasong hindi masyadong malinaw sa amin.
“No third party, no falling out of love, priorities lang talaga,” ang sinabi nitong dahilan nang break-up ng marriage niya. Pero nabanggit na hindi nasakyan ng husband niya ang puyatang taping at ‘dun na nagsimula ang gulo nila. Umalis sila ng dalawa niyang anak sa bahay nila at umuupa ng apartment ngayon.
Wala na silang komunikasyon at pinalitan ang number at hindi pa rin siya handang makita ito. Ipinahakot na rin nito ang lahat ng gamit niya at sa isyung balikan, “sobrang ‘di ngayon” ang kanyang sagot. Christian wedding sa Australia ang kasal nina Karel, kaya walang annulment na mangyayari.
Kuwento pala ni Karel, marami siyang tinanong kung sino ang puwedeng mag-manage sa pag-a-active niya uli sa showbiz at si Annabelle Rama ang pangalang binanggit ng lahat. Hindi siya nagkamali dahil agad siyang naisama sa Babaeng Hampaslupa ng TV5.
Robin laging nakaalalay kay Bea
Very honored si Bea Alonzo na siya ang napili after Judy Ann Santos na maging endorser ng Lactacyd, ang leading feminine hygiene brand sa bansa. Superstar daw ang sinundan niya, kaya happy sa tiwalang ibinigay sa kanya at inaming ginagamit niya ang produkto bago pa siya kuning endorser.
Busy si Bea sa pelikula nila ni Vic Sotto na co-produced ng M-Zet, OctoArts Films, at Star Cinema sa direction ni Tony Reyes at sa action-drama series nila ni Robin Padilla na Guns and Roses.
“First time ko to work with Vic at first time ko ring mag-comedy. Masaya sa set at tawanan lang kami. Kahit pack-up na ako, hindi pa rin ako umuuwi. Baka Black Saturday ang showing ng movie.”
“With Robin, napatunayan ko ngayong totoong sobra siyang gentleman dahil ‘di ka niya pababayaang nakatayo, lagi kang may chair. Hindi ko alam kung nagbabantay sa taping si Mariel (Rodriguez) dahil hindi ko siya nakikita,” sabi ni Bea.
Bagets mag-uumpisa na ng taping
Sa March 19 na sisimulan ni direk Mark Reyes ang taping ng TV version ng Bagets at end of April naman ang airing. Sabi ni Veronique del Rosario-Corpus, malapit na nilang i-announce ang final cast, pero hindi na kasama sina Angelu de Leon at Bobby Andrews gaya nang nasulat namin.
Hindi raw pinayagan ng ABS-CBN si Bobby dahil sa Mara Clara na sa May pa raw magtatapos. Ang latest, join na uli sa cast si Raymond Lauchengco na nasa cast din ng movie.
Once-a-week mapapanood ang Bagets sa TV5.
One night only...
May concert si Lloyd Zaragoza sa April 2, sa Area 05 Music Hall (dating Ratsky) billed One Night Only with Lloyd Zaragoza. Si Lloyd ang sidekick ni John Lloyd Cruz sa Greenwich TVC series at napapanood sa Minsan Lang Kitang Iibigin ngayon.
For ticket inquiries, call 09157765924.
Sa April 9, 9pm., naman ang concert ni Marissa Sanchez sa Zirkoh Morato billed Mutcha sa Zirkoh. Guest nito sina John Lloyd at marami pang surprise guests. Ang Childhaus Foundation ang beneficiary ng concert.
Para sa tiket, tumawag sa 09228398877.