Kaseksihan ni Gretchen, binabatikos

Seen : TV personality na rin si Manu Sandejas dahil siya ang weatherman ng Aksyon Journalismo ng TV5. Si Manu ang asawa ni Agot Isidro. Balitang nagkakaroon sila lately ng argumento.

Scene : Showbiz na showbiz ang batang babae na fan ng Mara Clara at pinag-usapan dahil sa kanyang pumapalahaw ng iyak na video sa Youtube. Parang sinadya ng kapatid ng Mara Clara fan na i-post ang video sa Youtube dahil gusto niyang maging Internet sensation ang bata na nangangarap din na maging TV star.

Seen : Voted off kahapon sa American Idol Season 10 ang Diana Ross wannabe na si Ashton Jones. Magpapatuloy ang Idol journey ni Thia Megia, ang youngest Fil-Am contestant.

Scene : Ngayong gabi ang Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy sa Ynares Center, Antipolo City. Libre ang admission sa biggest event ng programa ng TV5.

Seen : Suportado ni Teresa Loyzaga ang desisyon ni Diego na pumasok sa showbiz. Si Diego ang lovechild nina Teresa at Cesar Montano.

Scene : Binabatikos sa mga social networking site ang seksing pananamit ni Gretchen Fullido sa TV Patrol. Kinaiinggitan ang pagiging bombshell ni Gretchen.

Seen : Matinis at mataas ang timbre ng boses ni Marvin Agustin sa TV plug ng kanyang cooking show.

Scene : Man vs Beast ang title ng bagong show ni Chris Tiu sa GMA 7 at magsisimula ito sa March 28.

Show comments