MANILA, Philippines - Makalusot kaya ang Fil-Am na si Thia Megia, Top 13 eliminations ngayong Biyernes sa American Idol?
Pitch-perfect ang performance ng 16-year-old Fil-Am na si Thia Megia noong nakaraang elimination na AI na napapanood sa GMA News TV Channel 11 tuwing Huwebes at Biyernes 6:00 pm, kaya naman umani siya ng papuri mula sa judges. Magpapatuloy kaya ang Idol journey ni Thia?
Pero sa performance night kagabi, kitang-kita na talaga namang humigpit pa ang laban matapos na magpakitang-gilas ng lahat nang natitira sa Top 13.
Matapos ang rendition niya ng kantang Smile ni Michael Jackson, makakalusot kaya sa eliminations mamayang gabi si Thia?
Si Thia, buong pangalan : Thialorei Lising Megia, ang sinasabing pinakabatang nakapasok sa Top 13 sa buong kasaysayan ng pinakasikat na programa sa Amerika matapos na ibaba ng talent show ngayong taon ang age limit sa 15. Kinse-anyos lang si Thia nang dumayo siya sa Milwaukee auditions at mula noon ay tuluy-tuloy na ang magandang mga resulta ng pag awit niya na taga-Mountain House, California.
Nang awitin niya ang Out Here on My Own noong Top 24 performance night, napahanga niya ang tatlong judges na sina Jennifer Lopez, Steven Tyler, at Randy Jackson.
Pinanganak si Thia sa Hayward, California, habang pareho namang mula sa Pampanga ang kanyang mga magulang bago maging U.S. immigrant.
Bata pa lang ay umaawit na si Thia at kasama sa mga paborito niyang singers sina Kapuso star Regine Velasquez at si Charice Pempengco.
Kalaban ni Thia sa biritan angTop 13 finalists na sina Casey Abrams, 20, ng Illinois; James Durbin, 22, ng Santa Cruz, California; Stefano Langone, 21, ng Kent, Washington; Jacob Lusk, 23, ng Compton, California; Scotty McCreery, 17, ng Garner, North Carolina; at Paul McDonald, 26, ng Alabama.
Kasama rin sa top 13 sina Naima Adedapo, 26, ng Wisconsin; Lauren Alaina, 16, ng Georgia; Haley Reinhart, 20, ng Illinois; Ashthon Jones, 24, ng Goergia; Karen Rodriguez, 21, ng New York; at Pia Toscano, 22, ng Howard Beach, New York.
Sino sa kanila ang magtutuluy-tuloy sa pagningning sa Idol stage? Sino ang matatanggal ngayong gabi?
Huwag palalampasin ang results show ngayong gabi, 6:00 p.m. (may same day replay ng 10:00 p.m.). .
Minsan Lang Kita Iibigin nanguna na agad!
Umarangkada sa ratings ang Minsan Lang Kita Iibigin, nakuha nito ang unang puwesto sa top 20 programs nationwide ayon sa Kantar Media/TNS (March 7).
Nagkamit ng 37.8% na national rating noong pilot nito, tinalo ng Minsan Lang Kita Iibigin ang katapat nitong programa sa GMA 7 na I Heart You Pare na nakakahuha lamang ng 19.4%.
Nanguna rin ang Minsan Lang Kita Iibigin sa timeslot nito sa Mega at Metro Manila areas.
Pumalo ng 30.5% Mega Manila rating nito habang 23.4% lamang ang nakuha ng I Heart You Pare.
“Sarap ng feeling!” pahayag ni Coco Martin sa isang panayam nang malaman niya ang balitang na nguna sila.