Rhian gimik mangolekta ng mug sa abroad

MANILA, Philippines - Sikat na sikat si Rhian Ramos pero nagagawa pa rin pala niyang maitago sa publiko ang pribado niyang buhay.

Kahit alam na ng lahat ang tungkol sa kanila ni Mo Twister, minsan at pa­laisipan pa ring kung ano ba ang status ng relasyon nila ng TV host.

Lagi lang niyang sinasabi na ang pinakagusto niya ay ang mag-travel sa ibang bansa. “Gusto kong lumabas ng bansa hangga’t maaari. Kumokolekta ako ng mug mula sa napupuntahan kong mga bansa.”

Nang tanungin siya kung paano siya nagdedesisyon kung saan siya pupunta at ano ang gagawin niya pagdating doon, sabi niya, “Nagri-research ako sa Internet,” sabi ni Rhian. 

Isa pang love affair ni Rhian ang fashion. “Hinahanap ko sa internet ang fashion influences at clothing styles. Pero hindi ko ginagaya ang nakikita ko sa Internet. ”

Tulad ng ibang artista na sikat din sa Internet, meron ding libu-libong tagasunod si Rhian na kilala rin bilang ‘whianwamos’ sa mundo ng twitter.

Inaamin din niya na exciting mag-follow sa buhay ng ibang tao sa showbiz tulad ng stylist na si Liz Uy at photographer na si Xander Angeles.

Sinisikap din ni Rhian na magkapanahon sa kanyang mga kaibigan na mahirap gawin ng isang artistang tulad niya dahil sa kaabalahan.

Inamin ni Rhian na ang kanyang bahay ang paborito pa rin niyang lugar.

Para sa kanya, wala nang ibang mas kokomportable pa kundi sa sarili mong bahay. Wala siyang kiber kung anong itsura niya o suot niya. Nahuhumaling lang talaga siya sa pagbibiyahe, fashion at pelikula. Isang paraan din ng pagrerelaks niya ang pag-i-Internet. “Laging bukas ang aking computer at internet dahil nagda-download ako ng videos. Sa tingin ko sa ngayon, umaasa ang mga tao sa Internet at hindi sila makagalaw kung wala ito. Kailangan muna nilang tumingin sa internet bago gumawa ng anumang desisyon,” pagtatapos ni Rhian na isa na ring mukha hg PLDT myDSL.

Show comments