Ni-negotiate pa Laban nina Pacman at Mosley hindi na sa GMA mapapanood?
Atras-abante ang celebrity na ito sa pagpaparamdam na gustong lumipat sa TV5. Minsan go siya sa kagustuhang lumipat, pero binabawi agad. Ang lumabas pa, ang handler lang ng celebrity ang may gustong lumipat ang kanyang alaga.
Nagtataka naman ang nakakakilala sa celebrity kung bakit gusto nitong lumipat sa TV5, hindi naman siya nawawalan ng project sa home network niya ngayon. Kahit lingguhan na lang ang show niya, at least may show pa rin siya at naggi-guest din naman sa ibang shows ng network.
Saka na kami magbibigay ng clue kung sino ang atras-abante sa paglipat ng celebrity na ito. Maligalig siya at pati mga tao sa paligid niya, naguguluhan.
* * *
Pinasok na rin pala ng husband ni Ciara Sotto na si Jojo Oconer ang pagiging talent manager dahil siya ang president ng Tripla A o All Access to Artists Management at dalawa sa talents niya sina Julia Clarete at Andrea Torres.
Biniro namin si Jojo kung ima-manage niya si Ciara, pero si Malou Choa-Fagar daw ang manager ng asawa. Ngiti ang sagot ni Jojo sa sabi ng press na look-alike ni Ciara si Andrea na pumirma ng three-year exclusive contract sa GMA Network sa presence nina Atty. Felipe Gozon at Atty. Annette Gozon.
Unang napanood sa Ka-Blog ng Channel 7 si Andrea, 18 years old at Communication Arts student ng UST. Tumalon daw siya sa tuwa nang malamang kukunin siya ng GMA dahil dinadasal niya talaga ‘yun.
* * *
May launching movie na ang love team nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio at Bea Binene at Jake Vargas kasama ang buong cast ng Tween Hearts sa GMA Films to be directed by Mark Reyes.
Last Tuesday, nag-meeting na sina direk Mark, Atty. Annette Gozon-Abrogar at ang iba pang involve sa project.
Ang kumpirmado pa lang na kasama sa cast ay ang XLR8, Alden Richards at Louise delos Reyes na kasama sa original cast ng Tween Hearts. Hinahanapan pa ng title ang movie.
* * *
Nakita namin si Atty. Felipe Gozon sa contract signing nina Isabelle Daza at Andrea Torres at inalam namin kung sa GMA 7 pa rin mapapanood ang laban nina Manny Pacquiao at Shane Mosley? Sa May 7 ang laban ni Pacquiao, May 6 naman mag-i-expire ang kontrata nito sa Channel 7 pero nakapag-renew na siya.
“I can’t tell you dahil we are still negotiating. Sana kami pa rin,” sagot ni Atty. Gozon at wala siyang binanggit kung gaano kalaki ang tsansa na sa kanila pa mapanood.
Sa isyu kay Wendell Ramos kung bakit pinakawalan nila ito, ang sagot lang nito’y : “Ayaw na niya sa amin, gusto niyang lumipat. Hindi ko alam kung pinigilan siya dahil hindi ko trabaho ‘yun,” sagot nito.
Nabanggit ni Atty. Gozon ang balak nilang ipa-extend ang GMA Network.
- Latest