Charice nag-taping na uli para sa Glee
Nagti-taping na uli si Charice para sa hit musical series na Glee.
Kahapon ay nag-tweet siya : “Filipino power!!!! Blaine Anderson (Darren Cris) and Sunshine Corazon (Charice)!!!!” caption sa tweet photo nila ni Darren na may dugong Pinoy din at kasama rin sa programang Glee.
At kung nag-tweet si Charice, nag-upload din ng photo sa kanyang twitter account si Lea Michele. “Look who’s back!! @officialcharice!!! So happy!!!”
Mabilis ang sagot ni Charice kay Lea Michele na si Rachel Berry sa Glee - : “You’re so sweet.”
Malayung-malayo na talaga ang narating ni Charice.
Minsan na siyang lumabas sa Glee bilang si Sunshine Corazon na isang Filipino exchange student.
Pero ngayon ay limang episode siya aapir sa programa.
* * *
Nasa Sanctuario de San Antonio Forbes Park since last night ang wake ng beteranong aktor na si Mr. Armando Goyena (Jose T. Revilla sa totoong buhay) na sumakabilang buhay kahapon.
Si Mr. Goyena ang ama nina Tina, Johnny, and Marites Revilla.
* * *
Inaabot ng halos ala-una ng madaling araw ang news program na Bandila ng ABS-CBN. Huling-huli na silang napapanood kesa sa katapat nilang Saksi.
Pero parang pinapanood naman sila dahil ang dami kong nababasang reactions sa Twitter. Pero ‘yun nga lang, dahil medyo late na, antok na sigurado ang ibang nanonood at nakakatulugan na nila ang programa nina Karen Davila, Julius Babao, at Ces Drilon.
* * *
Pina-plug na si Erich Gonzales ang bibida sa Maria La Del Barrio, ka-partner si Enchong Dee pero naghahabol pa pala ang fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
Say nila, hindi raw bagay si Erich sa nasabing role at mas bagay ang kanilang idolo sa local version ng Mexican telenovela na gagawin ng ABS-CBN. At ang the height, nilalait pa si Erich. Starlet lang daw ito.
Naku na-divert yata ang emote ng mga fans na panay ang e-mail sa mga showbiz writers na parang iilan lang naman yata sila.
Mukhang hindi umobra ang fans nina Gerald at Kim sa fans club ni Sarah Geronimo kaya ibinaling na lang nila ang imbyerna kay Erich.
* * *
Para sa mga showbiz stars na kailangan mag-maintain ng good health at ideal weight sa pagharap nila sa camera, mayroong low-calorie diet supplement na puwede nilang inumin na hindi sila magmumukhang skinny o haggard.
Hindi kasi sapat ang exercise kung gusto mong mapabilis ang pagpayat mo at gawin din ito sa tamang paraan.
Ang L-Carnitine ay tumutulong sa pag-supply ng fatty acids sa katawan na nawawala sa sobrang pagod, puyat at mahabang oras na trabaho tulad ng mga artista. Ang L-Carnitine ay nagbabalik din ng nawalang fats sa pagwo-workout balita ni LS.
Samantalang, ang green tea extract ay isang mabisang anti-oxidant na lumalaban sa mga free radicals sa ating katawan. Tumutulong din ito sa mabilis na metabolism at weight loss.
“Ang Fatrol ay isang diet supplement na may kombinasyon ng dalawang natural ingredients. Ito ay may 500mg ng L-Carnitine at 100mg ng Green Tea Extract na nagpapabilis ng weight loss dahil sa sapat na dosage na kinakailangan ng ating katawan. Epektibo din ito sa pagpapababa ng cholesterol para maiwasan ang heart attack,” balita pa ni LS.
Para raw sa ideal na timbang at mas malusog na katawan, mag-take ng Fatrol at sabayan ng regular diet at exercise.
- Latest