Tonton nagbago ng lifestyle

MANILA, Philippines - Sa loob ng dalawang dekada sa showbiz at sa edad na 46, in demand pa rin si Tonton Gutierrez sa telebisyon at pelikula. Sa katunayan, kasama siya sa bagung-bagong teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kita Iibigin. Lagi niyang nahahasa ang kakayahan sa pag-arte, lalo na sa drama kung saan siya mas nakilala.

“I believe that it’s really important to always be at my best form as an actor,” sabi ni Tonton.

Pero hindi lang ang talento sa pag-arte ang tinututukan niya. Higit na importante ang pag-aalaga ng katawan, ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.

“You can only look good if you actually feel good inside,” sabi ng aktor. “Kaya kailangan ko talagang alagaan ang katawan ko and stay healthy.”

Sa ngayon, naniniwala si Tonton sa iniendorso niyang herbal dietary supplement — ang Prostamen — na nangangalaga sa prostate. Ito ang parte ng katawan na madalas kapitan ng sakit sa mga lalaki kapag umabot na sa edad 45.

“According to my doctor, six of every 10 men my age can have prostate enlargement na nagi­ging resulta sa iba’t ibang komplikasyon pa,” sabi ni Tonton. “Kaya mabuti na ’yung maingat at maalaga sa katawan.” 

Show comments