Coco nagmukhang tomboy sa wig

Seen : Nagmukhang tomboy si Coco Martin dahil sa mukha niyang maamo at wig na ipinagamit sa kanya sa mga unang eksena ng Minsan Lang Kita Iibigin.

Scene : Madalas na late si Tim Yap sa taping ng Tweetbiz.

Seen : Ang victory at thanksgiving party kahapon ng cast ng Who’s That Girl? dahil sa box-office success ng kanilang pelikula.

Scene : Siksik na siksik ng magagandang programa ang primetime slots ng ABS-CBN.

Seen : Mabilis na gumagawa ng ingay sa paghahatid ng mga bagong balita ang GMA News TV, ang news channel ng GMA Network. Mahigpit nitong kalaban ngayon ang ANC.

Scene : Masahol pa sa isang babae na madaldal ang mga pagtataray ni Nonito Donaire, Jr. sa media.

Seen : Maganda ang design at color combination ng bagong Captain Barbell costume ni Ri­chard Gutierrez.

Scene : Fresh at nakakatawa ang mga gag ng Lokomoko U ng TV5 kesa gags ng Bubble Gang.

Show comments