^

PSN Showbiz

Wendell tahimik pa sa pagiging Kapatid!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Certified Kapatid na si Wendell Ramos dahil pumirma na siya ng kontrata sa TV5. Hindi pa kasi nakakapirma ng kontrata si Wendell nang lumabas noon ang balita na lumipat siya sa Kapatid Network.

Nagsimula ang showbiz career ni Wendell sa Bubble Gang ng GMA 7. Totoy na totoy pa si Wendell nang dalhin siya sa Kapuso ng kanyang dating manager na si Douglas Quijano.

Hindi pa nagpapainterbyu si Wendell mula nang umalis ito sa GMA 7 pero sure ako na ikinalungkot niya ang pag-alis sa kanyang mother studio dahil dito nga siya nagsimula.

Sabay-sabay nating i-wish ng goodluck si Wendell sa kanyang bagong tahanan!

Lovi at Rep. Singson matagal nang nagkaka­labuan bago naghiwalay

Hindi shocking ang balita na break na sina Lovi Poe at Representative Ronald Singson dahil noon ko pa narinig ang tsismis na nagkakalabuan sila.

Maayos ang paghihiwalay ng dalawa dahil nanggaling kay Ronald ang desisyon na palayain ang kanyang girlfriend. Dakila ang pagmamahal ni Ronald dahil hindi siya naging selfish.

Isa at kalahating taon na makukulong si Ro­nald sa Hong Kong. Kung mahihintay ni Lovi ang kan­yang paglaya, baka magkaroon ng part 2 ang kanilang love affair na dumaan sa napakaraming pagsubok.

Boy at Gretchen target ng ENPRESS na mag-host

Inilabas na ng ENPRESS ang listahan ng mga nominado sa Golden Screen Awards na gaganapin sa April 2 sa Teatrino, Promenade, Greenhills.

Si Jun Nardo ang current president ng ENPRESS at ayon sa kanya, sina Gretchen Barretto at Boy Abunda ang iimbitahin nila para mag-host sa kanilang star-studded event.

Kung papayag sina Greta at Boy, siguradong magiging masaya at maintriga ang Golden Screen Awards.

La Diva umiingay dahil sa away

 Totoo at hindi plain tsismis na may iringan sina Jonalyn Viray at Maricris Garcia ng La Diva.

Hindi nagsasalita ang dalawa pero ang fans nila ang nagkumpirma na may namumuong tensiyon sa pagitan ng kanilang mga kampo.

Hindi pa nagsasalita sina Jonalyn at Maricris tungkol sa kanilang alleged feud. Ewan ko lang kung papayag ang GMA Artists Center na basagin nina Maricris at Jonalyn ang katahimikan nila. Basagin daw o!

Sa totoo lang, masyadong tahimik ang La Diva. Kahit paano ay nakakatulong ang intriga na may misunderstanding pala ang grupo para mapag-usapan naman sila.

Star box...

Star Box ang title ng coming soon na morning show ni Ali Sotto sa GMA 7. Ang Star Box ang ipapalit sa timeslot ng Love ni Mister, Love ni Misis na nag-goodbye sa ere noong nakaraang Biyernes.

Co-host ni Ali sa Star Box ang radio DJ na si Papa Jack. Kung hindi n’yo kilala si Papa Jack, siya ang DJ na nang-asar sa akin noong maging contestant ako sa game show na Asar Talo. Nag-win ako ng P150,000 sa nag-goodbye na game show ni Edu Manzano pero hindi nagtagumpay si Papa Jack na inisin ako. Siya pa nga yata ang napikon dahil tinapatan ko ang kanyang pang-aasar.

Nakatulong yata ang guesting ni Papa Jack sa Asar Talo kaya napansin siya at nabigyan ng mor­ning show.

vuukle comment

ALI SOTTO

ASAR TALO

GOLDEN SCREEN AWARDS

LA DIVA

PAPA JACK

SIYA

STAR BOX

WENDELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with