MANILA, Philippines - Kasama sa karapatan natin bilang tao ang kalayaan sa pagpili ng ating iibigin. Ngunit paano kung ang nagpatibok ng puso mo ay kapareha mo ng kasarian?
Hindi man hadlang ang Simbahang Katoliko sa pagiging bakla o tomboy ng isang tao, kinokondena naman nito ang homosexual acts tulad ng same sex marriage.
May mga grupo tulad ng Ang Ladlad na nagsusulong ng karapatan ng mga third sex pero hindi pa rin nila ito lubusang makamit dahil hindi liberal ang ating lipunan at malakas ang impluwensiya ng Simbahan.
Alamin ang damdamin at laban ng mga miyembro ng third sex sa isyung ito mula sa ulat ni Ryan Chua ngayong Martes (Mar 8) sa Patrol ng Pilipino.
Samantala, buhay plastic naman ang ilalantad ni Gretchen Malalad. Ilalantad ni Gretchen ang saloobin ng mga nabubuhay sa plastic sa Muntinlupa, kung saan ipinagbabawal na ang paggamit nito.