MANILA, Philippines - Ipinakilala sa press ang mga kandidato ng Mr. Pacific World Philippines 2011 noong Sabado ng gabi sa Centerstage na pag-aari nina Dingdong Dantes at Karylle Tatlonghari.
Bukod sa P50,000 na premyo at modeling contracts, ang winner ng kauna-unahang Mr. Pacific World Philippines ay kakatawan sa ating bansa sa Mr. Tourism International na gaganapin sa Colombia, South America sa September ng taong ito.
Ang pageant ay produced ng Zaldy International/GlobalTalent.PH, Inc sa pamumuno ni Mr. Zaldy Espinosa. Directed by Gareth Blanco, ang pageant night ay gaganapin sa Makati Coliseum sa April 15, 2011. Ang show ay magsisimula alas-7:00 ng gabi. Ang talent night ay gaganapin sa Metrobar, West Ave., Quezon City.
Makikita sa larawan ang dalawa sa kandidato ng Mr. Pacific World Philippines 2011: Carlo Joffrey Neri, Prinz Aezon Cruz, Thyrone Fabros, Alexander John Jared Alvero, Ralph Austria, Jay de Guzman, Bryan Bautista, Kyle Decampong, Ricardo de Jesus, Miguel David dela Paz, Paolo Diono Sarmiento, John Louie Fernandez, Ruben Garcia, Russel Hernandez, Job Gayta, Jerome Nunieza, Erimar Ortigas, Brandolf Portalejo, Jay Mark Quintana, J.C. Santos Carpio, Jerome Santos, Daniell Sindo, Chamber Gil Tacastacas, at Pieter Vandenmeulen.
Napili ng management ng Centerstage during the press presentation si Ralph Austria ang Fil-Am balikbayan na gustong mag-concentrate sa kanyang modeling career dito sa ‘Pinas.