Sayang ‘yung programang Power House ni Ms. Mel Tiangco na napapanood sa bagong GMA News Channel.
Last Sunday, si San Juan Mayor Guia Gomez ang na-interview niya. Pero dahil walang alam ang lahat tungkol sa programa, hindi nila napanood. Kakaperanggot na lang na portion ng interview ang napanood namin.
Maraming interesado sa buhay ni Mayor Gomez dahil bibihira siyang ma-interview. Eh si Ms. Mel Tiangco, napasok ang bahay ni Mayor Gomez.
Nagkasakit ang karelasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada noon at ngayon daw ay magaling na.
* * *
Para saan nga kaya ‘yung billboard nina Piolo Pascual at KC Concepcion? Meron pa pala silang billboard na may nakasulat naman na ‘Yes umaamin na kami – Piolo and KC.’
Marami tuloy nagdududa : baka raw scripted ang pag-amin ng mag-syota para kumita.
Pero in fairness kay KC, mukhang in love naman siya sa aktor at maraming nakakapansin na nag-bloom siya simula nang aminin ni Piolo na sila na nga.
* * *
Sino kaya nagsasabi ng totoo sa mag-amang James Yap at Baby James? Si Baby James diumano ang nagsabi sa kanyang mama Kris Aquino na si Tita Isabel (Oli) ang bagong girlfriend ng papa James niya. Pero nang tanungin ang basketbolista tungkol dito, deny to death naman siya. So, alin ang mas dapat paniwalaan, ang bata o ang matanda?
O baka naman bata pa si Baby James ay nagiging etchosera na?
Sa showbiz naman, walang lihim na hindi nadidiskubre kaya hintayin na lang natin kung papagalitan ni James ang anak sa ‘pambubuko’ nito tungkol kay Isabel.
Nauna nang sinabi ni James na kaibigan lang niya si Isabel at walang masama kung maging magkaibigan sila.
* * *
Malapit na rin palang lumipat ng sariling bahay si Kim Chiu. Mismong si Gerald Anderson ang nagsabi dahil bibigyan niya raw ito ng regalo dahil nga sa bagong lilipatan nito.
Naurong nang naurong ang pagpapagawa ng bahay noon ni Kim dahil sa advice ng feng shui expert kung saan malakas ang paniniwala ni Kim.
Anyway, sa interview kay Gerald sinabi niyang hindi siya ngayon in love. Actually, kahit anong tanong sa kanya kung nagkabalikan ba sila ni Kim dahil may mga nagsasabing sila naman ang magkasama nung birthday, walang inamin ang aktor.
Pero ready na uli raw siya to fall in love.
Isang black massage chair nga pala ang birthday gift sa kanya ni Kim.