MANILA, Philippines - Malaking tagumpay ang relaunching ng Yes Pinoy Foundation, founded and chaired by Dingdong Dantes sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.
Inilunsad kamakailan ang Para Paaralan, isang roving bus caravan na naglalayong maghatid ng edukasyon sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mga kilalang personalidad sa business community, politicians, at ilang celebrities mula sa showbiz ang mga dumalo sa event.
Naging panauhing pandangal si President Benigno Aquino III na nagbigay ng mensahe at pinuri nito si Dingdong sa proyekto niyang ito upang makatulong sa mga kabataang mahihirap na kapos para sa kanilang edukasyon.
Present din ang ilang executives ng GMA 7, sa pangunguna ng chairman at CEO ng network na si Atty. Felipe L. Gozon na nagbigay ng inspirational message, Ms. Wilma Galvante at Ms. Lilybeth Rasonable.
Sinabi ni Dingdong, “I’m happy that we have partners here this evening and much more, ’yung the president himself, siya ’yung unang nagmaneho ng manibela sa binubuo naming konsepto.”
Sa speech ni P-Noy, nabanggit nito na makikita kay Dingdong ang tunay na kahulugan ng pagiging “handsome,” hindi lang sa panlabas na kaanyuan nito kundi mas lalo na ang kalooban ng aktor.
May plano na ang Yes Pinoy Foundation na ang unang lugar na pupuntahan nila ng Para Paaralan roving bus ay sa Montalban, Rizal.
“Ang importante, pagdating ng bus, may maiiwan kaming learning structure and that we will leave something na nagpapatuloy ang edukasyon sa lugar na ’yun,” sabi ni Dingdong.
Nang ilunsad ang Yes Pinoy Foundation noong 2009, ang layunin lang nila ay tulungang mabigyan ng edukasyon ang mga anak ng mga sundalo. Pero ngayon ay mas malawak na ang target nilang matulungan.
Sa mga gustong mag-sponsor or mag-pledge, puwedeng mag-log on sa http://www.yespinoy.org at nandoon lahat ang details.
Isa rin ang kapatid ni P-Noy na si Kris Aquino sa dumating at naglaan ng oras sa nasabing okasyon. Hindi rin nawala sa espesyal na gabi na ’yun sa buhay ni Dingdong ang girlfriend niyang si Marian Rivera. All out nga ang ipinakita nitong suporta sa Yes Pinoy Foundation umpisa pa lamang.
Kabilang sa mga sumuporta rin nung gabing ’yun sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez, Carla Abellana and Geoff Eigenmann, German Moreno, Director Joyce Bernal, Heart Evangelista and Daniel Matsunaga, Paulo Avelino and LJ Reyes, Ricky Reyes, Carl Guevara, etc.