Malakas ang kilig factor ng pelikula nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love.
Ang ganda ng trailer na ipinalalabas ngayon. Kaya siguro kahit anong pagbabanta at paninira ang gawin ng mga fans na walang magawa sa buhay, walang dudang kikita ang pelikula. Grabe ang e-mail na pinadadala ng mga fans na ’to. Kesyo gagamit sila ng bomba dahil mga leftist na ang contact nila. Patawa.
Anyhow, first movie together ito nina Gerald and Sarah from Star Cinema and Viva Films.
* * *
Uy, true pala ang kuwento na maraming datung ang isang aktres. Galing ang pera sa kanyang dating karelasyon na nagkamal ng maraming datung noon. Kaya nga papetik-petik na lang ang aktres kahit wala itong masyadong trabaho.
Hiwalay na ang dalawa pero hindi na umano nakuha ng dating boyfriend kay aktres ang mga limpak-limpak na datung kaya ang nag-i-enjoy sa nasabing pera ay ang aktres.
Pansinin n’yo dahil kahit walang trabaho ang aktres, pa-travel travel ito at ang daming pag-aaring mga bahay. Originally ay pinatatago lang sa aktres ng BF ang datung. Kaso hindi naman ito puwedeng bawiin ng ex ni aktres dahil walang dokumentong nagsasabi na sa kanya (BF) ang pera na ’yun na nasa bank account na ng aktres.
* * *
May nag-tweet. Asked niya kung totoong nakuha na ng TV5 si Nora Aunor. May nagsabi kasi sa kanyang babalik na finally ng bansa ang Superstar.
Wala akong matanungan though may nagsabing totoong may negotiations na nagaganap between TV5 and Nora.
Wait na lang tayo kung finally ay magkakatotoo na ang pagbabalik-bayan ni Ms. Nora na halos isang taon nang nababalitang babalik ng ’Pinas.
* * *
Bongga ang game show na The Price is Right hosted by Kris Aquino sa ABS-CBN dahil wala pa itong isang buwan sa ere pero milyun-milyong halaga na pala ng papremyo ang naipamigay nito, kabilang ang dalawang brand new na kotse.
Kaya naman ang daming gustong sumali kahit mga nasa abroad hindi lang dahil sa mga bigating prize packages kundi sa kakaibang excitement nito kada hapon. Natural na kasi sa Pinoy ang pagiging price-conscious at sa The Price is Right nila nailalabas ang mga galing nila sa pagtantiya.
Nakadadagdag din sa aliw factor ng programa ang nakakatuwang hiritan sa pagitan ni Kris at ng mga contestants, at ng dalawang guwapong announcers na sina Rich Herrera at Rich Hardin.
Sa tagumpay ng The Price is Right, na consistent sa Top 15 highest-rating TV programs nationwide, ayon sa Kantar Media, at least napatunayan ni Kris na siya ang nag-iisang Queen of Game Shows sa Pilipinas.
At sa galing sa pagho-host, aba maihahanay na si Kris kina Bob Barker at Drew Carey na gumawa rin ng pangalan sa buong mundo bilang hosts ng US version ng The Price is Right.
At simula ngayong araw, live na ang tantiyahan at ang pamimigay ng papremyo sa Pinoy edition ng The Price is Right sa bago nitong timeslot na 5:45 p.m. sa ABS-CBN.
Kaya asahang magiging exciting ang panghuhula at pagtatantiya ng bayan kaya huwag magpapaiwan mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Sabel.
* * *
Magkasunod pala ang programa ni Luis Manzano tuwing Sabado sa ABS-CBN.
Mauuna ang Pilipinas Got Talent and then susundan ng LOL.
Naaliw lang ako sa PGT dahil may contestant sila na male singer na nang kumanta ay boses babae.