Sarah pinagbabantaan!

Inamin ni Vic Sotto na matapos ang pitong taong relasyon nila ni Pia Guanio ay mas gumanda ang kanilang samahan ngayon kahit may bago nang nobyo ang TV host.

Ayon sa komedyante ay hindi sila nagkakailangan, naging close pa at na­ging open sa isa’t isa. Ayaw din nitong mag-comment tungkol kay Pia na noon pa palang September nakikipag-date na sa mayamang nobyo na taga-Alabang.

Pinabulaanan din ni Vic na si Gwen Zamora na kapareha nito sa Agimat ang bagong babae sa buhay niya.

* * *

 Inaabangan na ang unang pelikula ni Justin Bieber na Never Say Never kung saan ang mga fans na tinawag na Beilivers ay may mahalagang role din sa pelikula.

Ito’y sa direksiyon ni John Chu at ire-release ng United International Pictures thru Solar Enterainment Corporation. Palabas in 2D at 3D sa mga sinehan sa March 23.

* * *

May nagtatanong kung hindi kaya mabaling ang galit ng mga fans ni Ge­rald Anderson at Kim Chiu kay Sarah Geronimo gaya nang naranasan ni Bea Alonzo nang ma-link siya sa aktor? May balita pa noong sasabuyan nila ng asido sa mukha ang aktres. Si Sarah kaya may mga ganitong pagbabanta?

Sa kabilang banda, mainit pa rin ang isyu tungkol kina Cristine Reyes, Rayver Cruz, at Sarah.

Kaliwa’t kanan pa rin ang usapan tungkol sa nasabing love triangle.

Show comments