Sabel nahirapan kay Diether!

Nalulungkot man si Jessy Mendiola sa pagtatapos ng kanyang launching series sa TV na Sabel sa linggong ito, kasabay nito ay may nararamdaman siyang excitement dahil na-tape na nila ang final episodes at nagagandahan siya sa magiging katapusan nito.

 “Basta abangan n’yo, magugulat kayo sa mga pangyayari na hindi n’yo inaasahang magaganap. Nanganak na si Sabel sa bartolina, siya mismo ang nagpaanak sa kanyang sarili. Peaceful ang magi­ging ending ng series, yayaman ako. At kahit na-extend na ito ng two months, ang dami pa ring nagre-reklamo dahil naiiklian pa sila,” sabi ng batang aktres na kadi-debut lang nung Dec. 3 pero walang party dahil may taping siya. Nagkainan na lang sila sa set.

Excited si Jessy sa kanyang next project na bagaman at ayaw niyang i-divulge alam niyang si Gerald Anderson ang makaka-partner niya.

Hindi ba siya nag-aalala na baka siya naman ang susunod na targetin ng mga Kimeralds?

 “Gusto nila ang tandem namin ni Coco Martin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nila kapag si Gerald ang kapartner ko next but I’m hoping na tanggapin nila ito as part of our work.

 “No, I’m not worried kung babantaan din nila ako. Sa rami naman ng binantaan nila ay wala pa namang namamatay. Ang ayaw lang siguro nila ay ma-link either si Gerald o Kim, pero alam nila na maski ang mga idols nila ay gusto ring ma-pair sa iba. Nakakainggit nga sina Kim at Gerald at may mga Kimeralds silang napaka-over protective sa kanila. Sana ako ganun din. May fans ako pero sa akin lang sila gaya ng Jessians at Sabelians, wala akong fans which I share with any of the actors around. Wala kasi akong ka-loveteam. Pero mas gusto kong ganito, walang ka-loveteam. Mas marami akong mai-explore na chemistry, mas marami akong matutunan. At saka uso na ngayon ang walang ka-loveteam,” sabi niya.

Maraming karanasan na natutunan si Jessy nang gawin niya ang Sabel. Dito siya nakatikim ng kanyang first screen kiss, hindi si Diether Ocampo ang nagbigay nito sa kanya kundi si Ejay Falcon. Madali nila itong nagampanan ni Ejay. Sa lovescene nila ni Diether siya nahirapan.

 “Sa umpisa lang, na-conscious kasi ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Pero tinulungan ako ni Diet. Hindi naman ito torrid, hug hug lang.’

Ano ang mami-miss niya sa Sabel?

 “The people that I worked with. Ang galing nila. At lahat ng ginampanan nilang character ay opposite nila sa totoong buhay.  Like si Ms. Rita Avila, natatakot ako kapag umaarte na siya, nag-iiba na ang mga mata niya. Pero pag hindi kami kinukunan, napaka-sweet niya, mahilig magbigay ng cookies.

* * *

Mukhang mas kakailanganin pa ni Aiko Melendez ang magbawas ng kanyang pagkain kung talagang gusto niyang pumayat para aktibong mabalikan ang kanyang pag-aartista. Subsob na siya sa kanyang pagtakbo pero kakaunti ang nababawas sa kanyang timbang. Parang hindi siya pumapayat. Kailangan na talagang pagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-eehersisyo.

Si Aiko nga pala ang tampok sa episode ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Sila ni Dominic Ochoa

Direktor sa episode si Jeffrey Jeturian. Kasama pa rin sina Aaron Junatas, Ella Cruz at Gardo Versoza.

* * *

Ngayon lamang inaamin ni Vic Sotto ang paghihiwalay nila ni Pia Guanio. Pitong taon ding tumagal ang kanilang relasyon. Ang maganda sa dalawa, naghiwalay sila ng maayos. Nakapagtatrabaho sila ng walang ilangan. ‘Di tulad nung tinatangka pa nilang ayusin ang kanilang relasyon, pati mga kasamahan nila sa Eat Bulaga  ay parang nakatuntong sa numero, may tensiyon sa paligid.

Hindi na ngayon. Balik na ang dalawa sa kanilang friendship.

Show comments