Mr. & Ms. Eco Tourism naghahanap ng magandang babae at poging lalaki
MANILA, Philippines - Pinaghahandaan na ang modeling and personality search na may layuning pangalagaan ang kapaligiran ng bansa, ang Mr. and Ms. EcoTourism Philippines.
Ilulunsad ang kauna-unahang pageant ng bagong production outfit na Galaxy Entertainment and Production Services sa pamumuno ni Paul B. Zhuang na isang Fil-Chinese singer at negosyante.
“I think it’s high time to come up with more events which does not only entertain but educate the public or audience, too. I have a Chinese lineage but I equally give importance to the tradition, culture, and socio-awareness of the Filipinos. I love the Philippines so much,” sabi ni Paul.
Naniniwala ang producer na malaki ang role ng mga kabataan sa hinaharap. At gusto niyang makatulong na makahulma ng magiging future role models sa society.
“Maging ambassador ng worthy causes,” dagdag pa ni Paul. “I also want to lend a hand para mapansin sila sa international scene since I have a network in other countries as well.”
Para sa mga interesadong male and female models, kailangan lamang na 18-25 years old, single (walang anak), 5’5” pataas sa babae at 5’7” sa lalaki, high school graduate o higit pa, at may magandang mukha at balingkinitang katawan. Pero ang pinaka-mahigpit na requirement, dapat may kaalaman sa kultura at turismo ng Pilipinas.
May screenings sa March 26 at 27 at sa April 2 at 3 ng 1 p.m. Para sa mga detalye, tumawag sa opisina ng Mr. and Ms. EcoTourism Philippines sa 482-9106 at 0919-6245466 at hanapin si Laarni Tila.
- Latest