Bossing ng Dos nag-lecture sa MPC

MANILA, PHilippines -   Binigyan ang mga estudyante ng komunikasyon ng UST ng pagkakataong mapakinggan, makilala, at matutuo mula sa mga haligi ng media tulad nina ABS-CBN Chairman-CEO Eugenio “Gabby” Lopez III at ABS-CBN Channel 2 Head Cory Vidanes sa ginanap na Media Pinoy Congress 6. Nagbahagi rin ng kaalaman ang iba’t ibang executives ng ABS-CBN tungkol sa paggawa ng programa, mga promo plug, investigative stories, at mga proyekto na hindi lang nagdadala ng entertainment o impormasyon kundi nakapagbabago rin ng buhay ng mga tao. Bibo rin silang nagtanong tungkol sa media censorship, violence at sex sa TV, at iba pang mga isyu sa media kina Vidanes, ABS-CBN Head for News and Current Affairs Ging Reyes, at ABS-CBN Head for Customer and Business Development Vivian Tin at ang iba’t ibang business unit heads ng ABS-CBN. 

Show comments