TRUE : Kinumpirma ng isa sa mga close friends ni Aiko Melendez na si Gelli de Belen na kahit hiwalay na sina Aiko at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, nanatiling magkaibigan pa rin sila.
Nakatsikahan namin si Gelli sa pagsisimula nito sa Tweetbiz Insiders sa GMA News TV at naalangan pa nga itong magsalita tungkol sa break-up nina Aiko at Mayor Patrick dahil hindi pa niya nakakausap uli si Aiko kung ano ang puwede niyang sabihin tungkol sa isyu.
Inamin lang ni Gelli na isa siya sa mga nagpayo kay Aiko na huwag nang magsalita dahil hindi na kailangang palakihin pa ’yun at pag-usapan pa sa publiko.
Pero nilinaw nitong maayos ang break-up at okay pa rin naman si Aiko at ang ex-BF as friends.
TANONG : Totoo kayang Pilipinas ang susunod na pupuntahan nina Brad Pitt at Angelina Jolie para maghanap ng batang aampunin nila?
Nag-post ang kolumnistang si Harold Geronimo sa kanyang Twitter account tungkol dito: “Confirmed: Brangelina inquired abt possible adoption of Filipino child Hospicio de San Jose”.
Maraming nag-react tungkol dito at excited sa pagdating ng couple para maghanap ng bata sa Hospicio de San Jose na aampunin nila.
TOTOO KAYA ang nakarating sa aming nagrereklamo na ang mga katrabaho ng kilala at magaling na aktor dahil napaka-untidy nito?
Kahit saan ito magpunta, parang hindi naliligo at minsan ay parang may naaamoy sila kay kilalang aktor na hindi nila ma-take.
The height pa, dahil sa kapal at haba ng buhok nito, nakita ng ibang katrabaho nito na may mga gumagapang na kuto.
Nagtataka sila kung bakit madungis na ang aktor ngayon eh hindi naman ito dating ganun.
Ibang-iba ito sa ama niyang isa ring magaling na aktor, kapatid, at ilang pinsang nasa showbiz din.
TSIKA LANG : Hindi apektado ang tandem na Moymoy Palaboy nang kumalat ang balitang matsutsugi na ang Bubble Gang dahil naniniwala silang hindi ito mangyayari.
Isa sa mga inaabangan na segment sa Bubble Gang ay itong IyoTube nilang dalawa na kung saan nili-lip synch nila ang ilang mga sikat na kanta.
Ang ilan sa mga hit na hit nila ay ang version nila ng Marimar at Volare na umabot pa hanggang Mexico. Kaya nga type na type sila at kilalang-kilala sa Mexico.