Masaya ang pelikulang Who’s That Girl? starring Anne Curtis, Eugene Domingo and Luis Manzano na nagkaroon ng premiere night last Monday night.
Nakakatawa ang maraming eksena nilang tatlo. At hindi nagpatalbog sina Luis at Anne sa galing ni Eugene.
Hindi rin mukhang minadali ang movie at maraming mga kakaibang eksena na first time ginawa ni Anne and Luis sa naturang pelikula.
Merong isang eksena na sumakay si Anne sa parang service na kahoy na elevator (ewan kung anong tawag doon) at sumampa sa crane na ginagamit sa isang construction site. Mataas-taas din ang inakyat ng nasabing ‘elevator’ at ang sinampahan niyang crane na parang nakakatakot at may eksenang muntik pa siyang mahulog.
Si Luis naman, hindi lang basta nag-topless. Well panoorin n’yo dahil talagang nagpakita siya ng puwet.
Parang wala ring effort ang mga nakakaaliw na confrontation scene nina Anne at Eugene sa pelikula dahil may ilang drama moment pero matatawa ka pa rin.
‘Maling akala’ ang pinaka-main subject ng pelikula.
Napagkamalang kabit si Anne ng tatay ni Luis na namatay na asawa ni Eugene. Nang hanapin nila si Anne para paghigantihan, na-in love sa kanya si Luis at doon na magkakaroon ng matinding mga nakakatawang eksena ang pelikula na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Magsisimulang ipalabas sa mga sinehan ang Who’s That Girl? ngayong araw.
Ang Viva Films at SMDC ang producer ng pelikula.
Nasa audience daw si Gov. Vilma Santos during the premiere night, pero hindi na namin siya nakita.
Miss Universe na
kinoronahan sa ’Pinas namatay na
Maraming nalungkot nang mabalitaan nilang namatay na ang 1974 Miss Universe na si Amparo Muñoz sa edad na 56.
Kilala si Amparo Muñoz ng maraming Pinoy na isang Española dahil dito siya sa bansa kinoronahang Miss Universe at siya raw ang kauna-unahang Spaniard na nanalo sa nasabing beauty pageant.
PINOY BIG BROTHER, MAGBABALIK NGAYONG 2011!
Sisimulan na ang paghahanap sa bagong housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya ngayong 2011.
Mahigit isang taon na pagkatapos koronahan si Melai Cantiveros bilang Big Winner, tinatawagan muli ng PBB ang mga babae at lalaking nasa edad 18 to 35 years old para sumabak sa auditions ngayong Biyernes (March 4), 8:00 a.m. hanggang 3:00 p.m. sa SM Mall of Asia.
Bring lang kayo ng Valid ID (SSS, school ID, driver’s license, TIN, Passport), mag-parehistro para sa audition sa Planetarium Parking ng SM MOA.
Para sa announcement ng mga susunod na audition, watch lang sa ABS-CBN o sundan ang Pinoy Big Brother Season 4 sa Twitter at i-search lang ang OfficialPBB4.