Sarah at Gerald malakas ang chemistry!

Plano rin pala ni John Estrada na mag­bitbit ng isa pang Kapatid sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN. Ito ay ang komedyanteng si Long Mejia na kasama niya sa sitcom na ginawa niya sa TV5. Si John ang dahilan kung bakit sila magkasama sa mga palabas ng network.

Marahil kung hindi nakaka­ram­dam si Long na may ma­gan­dang mangyayari sa kanya sa TV5 ay baka sumama siya kay John na bumalik ng Dos.

Hindi naman nagbago ang friend­ship nila ni John kahit hindi siya nakasama sa Happy Yipee Yehey. Imbitado pa rin siya sa ka­sal nito kay Priscilla Mei­relles.

* * *

Sa halip na panghinaan ng loob sa mga kasaluku­yang pang­yayari sa kanyang buhay na ang pinaka-mabigat ay ang break-up nila ng isang pulitiko sa Bulacan, naisip ni Aiko Me­lendez na huwag mag­­­­mukmok at kasabay ng pagnanais na makabangon at makalimutan ang mga nang­yari ay ang planong balikan ang kanyang pag-aartista. Pero bago niya ito maisakatuparan ay may mga pagbabago pa rin siya sa sarili na dapat unahin.

Magpapayat muna siya ng husto, magpaganda rin para hindi naman siya ma-typecast sa mga mother roles although wala naman siyang pagtutol kung ito ang darating na trabaho pero bata pa naman siya, puwede pa ring gumanap ng roles na bagay sa edad niya. Pero dahil baka nakakahadlang ang katabaan niya kung kaya ilalagay muna niya sa ayos ang pangangatawan niya.

Sa rami ng mga palabas sa TV, marami pa naman siguro ang magtitiwalang bigyan siya ng projects. 

Kailangan din mailagay niya sa ayos ang kanyang dalawang anak na katulad niya ay nasanay nang kasama ang kanyang dating karelasyon.

* * *

Cute ang trailer ng movie nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na napapanood sa TV nga­yon. Magkahiwalay pa lamang na ipinapakita ang dalawa pero nakikitang may chemistry sila’t nararamdaman mo na ang kilig. Ano pa kaya kung nagkasama na sila sa eksena? From the looks of it, it’s a feel good and light romantic film, ang tipo ng mga ginagawa ng pop princess at gusto ng mga manonood para sa kanya. Kayang-kaya niyang dalhin ang mga ganitong pelikula, huwag muna ‘yung mga todong drama na hindi pa naman niya siguro nararanasan kaya wala siyang mapaghugutan.

Kasama rin pala sa movie na pinagtutulungang i-prodyus ng Viva Films at ng Star Cinema ang sportsman at unti-unti nang kinalulugdan ng mga fans dahil nagpapamalas na ng kanyang iba pang talent at nagpapakita talaga ng pagpupursige  para mapabilang ng 100% sa mundo ng local showbiz, si Matteo Guidicelli.

Nagsimula lang si Matteo as a Billy Crawford look alike, pero unti-unti na siyang humihiwalay sa anino ng international Kapamilya singer.

Mabibigyan ni Matteo ng magandang laban hindi lamang ang character na ginagampanan ni Gerald kundi maging ang character niya bilang ka-love triangle ng dalawa. Puwede rin namang ma-link sila ni Sarah kung hindi lamang masyadong open ang admiration niya sa isa pang Kapamilya na si Maja Salvador.

Show comments