^

PSN Showbiz

Dahil kay Michael Jackson 'pagkakasalan' kina Lani at Bong mahigpit ang security

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ipagdiriwang nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado sa May 2011 ang kanilang silver wedding anniversary.

Ang magbakasyon sa Europe ang buong pamilya ang original plan ng mag-asawa pero naisip nila na i-renew ang kanilang vows sa mismong chapel na pinagdausan ng kanilang kasal.

Kung matutuloy ang renewal of vows, baka pumunta ako sa Amerika sa May para saksihan ang mahalagang okasyon sa buhay nina Bong at Lani.

Ikinasal ang dalawa sa isang chapel sa Forest Lawn, Glendale, California. Naging sikat ang Forest Lawn dahil dito inilibing noong 2009 ang labi ni Michael Jackson.

Pero mahigpit na ang security sa Forest Lawn dahil sa fans ni Michael na nagpipilit na madalaw ang kanyang puntod na mahirap malapitan.

Kapag natuloy ang US trip ko sa May, susubukan ko na silipin ang libingan ni Michael. Malay n’yo, baka ma-eklay ko ang bantay at payagan niya ako na makapasok sa musoleo ng sikat na singer.

* * *

Nakakulong na ang mga suspect sa carnapping sa Metro Manila pero may mga biktima pa rin ng carjacking tulad ng sexy starlet na si Jen Rosendahl.

Masuwerte si Jen dahil mabilis na nabawi ng mga pulis ang kanyang sasakyan pero nakakalokang isipin na gumagala pa rin ang mga nagnanakaw ng kotse.

Triple at hindi lamang dobleng ingat ang dapat gawin ng mga motorista, lalo na ang mga kababayan natin na nagmamay-ari ng mga magagarang sasakyan na takaw-mata sa mga carnapper.

Talasan ang mga mata habang nagmamaneho. Huwag basta ihihinto ang inyong mga kotse kung may mga tao na hindi ninyo kilala na pumapara o humaharang at nagsasabi na flat ang gulong ng sasakyan ninyo. Ilan lamang ito sa mga dapat i-consider kapag nasa kalye kayo para makaiwas sa mga carnapper at sa kapahamakan.

* * *

Palaban talaga si Cristine Reyes na in love na in love kay Rayver Cruz. Wala siyang sinasanto dahil pati sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos eh pinagbintangan niya ng pakikialam sa love triangle nila nina Sarah Geronimo at Rayver.

Ibinulgar ni Cristine sa interbyu sa kanya ng YES! na nag-sorry siya sa mga tao at hindi kay Sarah noong i-tweet niya ang pagkaimbiyerna laban sa huli.

Ang ibig sabihin, hindi pa magkasundo sina Sarah at Cristine. Parehong mga contract star sina Cristine at Sarah ng Viva Artists Agency pero mukhang hindi sila napagbati ng kanilang manager. Obvious na malalim ang pagkaimbudo ni Cristine.

vuukle comment

BONG REVILLA

CRISTINE

CRISTINE REYES

FOREST LAWN

JEN ROSENDAHL

JUDY ANN SANTOS

LANI MERCADO

METRO MANILA

MICHAEL JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with