GMA NEWS TV simula na!

MANILA, Philippines - Matapos ang paghahandang ibinuhos ng buong puwersang GMA News and Public Affairs sa loob nang nakalipas na anim na buwan, mapapanood na simula ngayong araw, February 28, ang pinakaaabangang news and public affairs channel na GMA News TV Channel 11.

“Importante sa amin na alam ninyo,” ito ang men­sahe ng GMA News TV station ID. 

Maagang magsisimula ang newscasts ng GMA News TV. Sisimulan ito ng Dobol B sa News TV, ang programa ni Mike Enriquez sa flagship radio station na DZBB na mapapanood na sa GMA News TV. Susundan naman ito ng tandem nina GMA News Online Editor-in-Chief Howie Severino at Kara David sa morning show na News To Go.

Si Jessica Soho ay maghahatid din ng pina­ka­maiinit na balita sa flagship evening newscast ng GMA News TV – ang State of the Nation with Jessica Soho.

Siya rin ang mangunguna sa news magazine program na Brigada.

Tampok sa Balita Pilipinas ni Arnold Clavio ang pinakamalalaking balita sa buong linggo mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Magagandang balita naman ang hatid ni Vicky Morales sa Good News.

Tiyak ding aabangan ang hard-hitting programs nina Winnie Monsod (Bawal ang Pa­saway kay Mareng Winnie) at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) Executive Director Malou Mangahas (Investigative Documen­taries).

Live na public service ang hatid ng daily afternoon program na On Call kasama sina Ivan Mayrina at Connie Sison. Magkasama namang ha­harapin ng GMA reporters na sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang hamon bilang host ng I Juander.

Mapapanood din sa GMA News TV ang trio nina Jun Veneracion, RJ Ledesma, at Jace Flores sa kuwelang Best Men at ang Pop Talk ni Tonipet Gaba.

Ang ‘It’ girl ngayon na si Solenn Heussaff ang host ng makeover show na Fashbook, habang tuloy naman ang biyahe ni Drew Arellano sa reality-travel show na Weekend Getaway. Sagot naman ni Chino Trinidad ang usapang sports sa Game! at showbiz news naman ang hatid ni Rhian Ramos sa In The Limelight.

FULL TIME MOMS binago

Mas pinaganda at mas exciting na tsikahan ang mapapanood sa pagpapatuloy ng Full Time Moms nina Christine Jacob-Sandejas at Suzi Entrata-Abrera ngayong Lunes, Feb. 28, sa bagong GMA News TV!

Sa bagong opening billboard ng programa, mapapanood sina Christine at Suzi kasama ang mga ina mula sa iba’t ibang propesyon – doktor, cook, security personnel, at iba pa – pati na ang iba pa nilang roles bilang mga babae.

Bukod sa bagong look ng Full Time Moms, siguradong aabangan din ng mga manonood ang mga bagong episode nito na ginawang mas nakakaaliw at exciting.

Sa Lunes, ikukuwento nina Sheryl Cruz, An­­gelika Dela Cruz, at JC Tiuseco ang mga heart­breaking experience nila – break up, nahintong career, at biglaang trahedya — at kung paano nila nalagpasan ang mga ito ng may positive attitude.

Susubukan namang makipagsabayan nina Suzi at Christine kina Ciara Sotto, Geleen Eu­genio, at Sexbomb girls Mhyca at Louise sa paghataw ng mga sikat na dance moves sa Mar­tes (Mar. 1).

Mga batikang pulitiko at government officials ang bibisita sa Full Time Moms sa Miyerkules para ipakita ang kanilang personal side na bihirang mapanood sa TV.

Isang nakakaiyak na episode naman ang mapapanood sa Huwebes, aalamin nina Suzi at Christine mula sa kanilang guests na sina Ali Sotto, Gina de Venecia, at Mark Herras ang kanilang pinagdaanan sa pagpa­naw ng isang mahal sa buhay at ang mga coping mechanisms na nakatulong sa kanila.

At sa Biyernes, sina Love Añover, Pekto, at Julio Diaz naman ang bi­bida para ikuwento ang kanilang ’di malilimutang work experiences.

Ang Full Time Moms ay sa ilalim ng direksiyon ni Bibeth Orteza-Si­giuon Reyna, mapapanood simula Lunes hanggang Biyernes, 5:00 p.m., sa bagong GMA News TV.

Show comments