Luis masesermunan ni Gov. Vi

Nakapagbawas ng timbang si Luis Manzano pero lalo siyang gumwapo nang makakuwentuhan namin sa presscon ng Who’s That Girl? ng Viva Films.

Ayon sa aktor, kakaiba ang eksena niya sa pelikula. Inamin pa niyang may nudest scene siya pero ayaw niyang i-reveal kung ano.

“Baka ikaloka ito ni Mama (Vilma Santos) kapag napanood niya at tiyak sesermunan niya ako,” sabi ni Luis sabay tawa.

Sinabi rin ng bidang aktor na komportable na siyang makapareha si Anne Curtis dahil ilang beses na silang nagkatambal sa pelikula at telebisyon.

May napuna lang kami kay Luis, kahit anong tanong namin sa kanyang love life o ’yung tungkol kina Angel Locsin at Phil Husband ay ayaw nitong mag-comment.

“My lips are sealed now at irespeto na lang natin ang privacy ni Angel dahil natuto na ako ngayon,” sagot ng aktor.

Ngayong Linggo ay magkakaroon ng grand mall show event sa SM North EDSA Skydome kung saan mapapanod ang buong cast ng Who’s That Girl? at 4 p.m. Palabas na ang pelikula sa March 2 at kasama rin sina John Lapus, Candy Pangilinan, DJ Durano, Dennis Padilla, at Dina Bonnevie.

Nadine ayaw mag-inarte sa trabaho

Okay lang kay Nadine Samonte kung hindi siya nalalagay sa primetime kundi laging sa afternoon drama show gaya ng My Lover, My Wife ng GMA 7. Payag din ang magandang aktres na malinya sa pagiging kontrabida.

Pagdating sa trabaho, hindi namimili ng role ang aktres dahil katuwiran niya ay gusto lang niya na may trabaho siyang pinag­kakaabalahan.

Kuwento nga pala ni Nadine, matapos silang maghiwalay ng nobyo na tumagal lang naman ng dalawang linggo ay nagkasundo at nagkabalikan uli sila ni Emerson Chua. Anim na taon na silang magkarelasyon.

Marahil na-miss siya ng husto ng nobyo at na-realize kung gaano siya kamahal kaya sinu­yo uli siya.

Mapapanood din ang My Lover, My Wife worldwide simula sa Marso 3 sa GMA Pinoy TV.

Show comments