SEEN: Malayo sa hitsura ni Jaime Cardinal Sin ang rebulto niya sa Maynila.
Kung nabubuhay si Jaime Cardinal Sin, hindi rin niya sasabihin na siya ang rebulto na itinayo ng Manila City government.
SCENE: Ipinalabas sa TV5 ang EDSA 25, ang free concert na nilahukan ng mga artista ng GMA 7 at ABS-CBN.
Nagtagumpay ang TV5 na mapanood sa kanila ang mga exclusive contract stars ng Kapuso at Kapamilya networks.
SEEN : Hindi dapat nagsusuot si Kris Aquino ng tight-fitting gown para hindi bumakat ang cellulites niya sa kanyang mga hita.
Unflattering ang gown na suot ni Kris sa Trinoma launch ng Freedom Scents.
SCENE : Ang marathon replay noong Biyernes ng gabi ng History Channel sa assassination ni Sen. Ninoy Aquino, downfall ni ex-President Ferdinand Marcos, at pag-upo sa puwesto ni former President Cory Aquino.
SEEN : Hindi pa pumipirma ng kontrata sa TV5 si Wendell Ramos nang magpaalam siya sa Bubble Gang.
SCENE : Ang Twitter debate nina Jim Paredes at Sen. Gringo Honasan tungkol sa People Power Revolt.
“Get elected first, then let’s talk,” ang mensahe ni Honasan kay Paredes.
SEEN: Hindi maganda ang sound system sa presscon kahapon ng Tum: My Pledge of Love dahil sa feedback mula sa mga wireless microphones.
Ang Tum ang unang movie team up nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.
SCENE: Bilang na ang mga araw sa telebisyon ng Love ni Mister, Love ni Misis, ang morning show talk show nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa GMA 7.