^

PSN Showbiz

AFP noon at ngayon ipagkukumpara

-

MANILA, Philippines - Tuluyan na ngang nasira ang reputasyon ng ating sandatahang lakas dahil sa mga kontro­bersyang bumabalot dito. Maaari pa bang ma­kam­tan ang reporma sa militar?

Matatandaan natin na malaki ang parte ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa tagumpay ng EDSA. Layunin nilang ituwid ang mali at i­l­un­­­­sad ang pangmalawakang reporma sa Armed Forces of the Philippines kaya sila tumiwalag sa rehimen ni former Pres. Ferdinand Marcos.

Pagkatapos ng 25 taon ay nalugmok ang AFP sa kurapsyon na pinangungunahan pa ng mga opisyal nito. Ang pabaon system, overpriced biddings at padrino system ang ilan lamang sa mga naulat na kontrobersiya dito.

Tatalakayin ni Ted Failon ang naging papel ng RAM o Reform the Armed Forces Movement sa People Power Revolution at ang pakikipaglaban ng mga grupong Y-O-U (Young Officers Union) at Magdalo laban sa ma­ling gawi sa military.

Ngayong anibersaryo ng People Power sa EDSA, reporma sa militar, nakamtan na nga ba o mas lumala pa ang kurakutan?

Alamin sa Failon Ngayon, ngayong Sabado (Feb. 26), 5:30 p.m., pagkatapos ng Kapamilya Cinema Blockbusters sa ABS-CBN.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

FAILON NGAYON

FERDINAND MARCOS

KAPAMILYA CINEMA BLOCKBUSTERS

PEOPLE POWER

PEOPLE POWER REVOLUTION

REFORM THE ARMED FORCES MOVEMENT

SHY

TED FAILON

YOUNG OFFICERS UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with