Jennylyn ooperahan na!

Ngayong Huwebes ang first day taping ng Ang Spooky Mo Presents Bampirella at tampok dito si Marian Rivera. Four weeks magbibida ang aktres sa Saturday horror-comedy bago siya mapanood sa Amaya.

Kasama sa cast ng Bampirella si Gelli de Belen na kontrabida ni Marian, si Mikael Daez ang leading man at si Marc Abaya na nasa I Heart You Pare. Wala pang balita kung kailan ang pilot ng Bampirella na ipapalit sa Kapuso Movie Festival.

* * *

Kundi kahapon ay ngayong araw mag-a-undergo ng tonsillectomy si Jennylyn Mercado. Aalisin ang infected tonsil ng aktres na cause yata ng madalas na pagkakasakit at sana after this, hindi na siya magpapabalik-balik sa hospital.

May mga projects na hindi natanggap si Jennylyn sa madalas na pagkakasakit at worried sa kanya ang nobyong si Dennis Trillo. Ilang araw magre-rest si Jennylyn after her operation dahil paalis siya for Hong Kong para sa screening ng Rosario. Hindi namin alam kung kasama niya ang actor-BF sa pagpunta sa Hong Kong.

* * *

Nag-storycon na ang Sisid, kaya tuloy na ang pagbibida nina Dominic Roco, Ian Batherson, at JC Tiuseco sa afternoon soap ng GMA 7 na magtatampok kay Jackie Rice sa role ng isang pearl diver. Tiyak na nawala na disappointment ni Dominic nang ma-delay ang project dahil hindi pa marunong lumangoy ng tama at maganda si Jackie.

 Pearl diver din ang role ni Dominic at dahil madalas naka-topless, nagpaganda siya ng katawan para maka-level kina JC at Ian na parehong sports buff. Gusto rin niyang mapasama sa Cosmo Men this year, kaya kinakarir ang pagwu-work out.

Magiging busy din si Dominic sa shooting ng indie film na Cooking Mo, Cooking Ko na pang-Cinemalaya raw. Hindi pa nito alam ang role sa indie film pero ginagaya niya ang idol niyang si Johnny Depp na walang pinipiling papel basta maganda.

Loveless si Dominic after his break up with Maxene Magalona last September. In fairness sa binata, never niyang binanggit ang name ng ex at ang press ang nag-mention ng name ng aktres. Hindi pa sila nagkikita ni Maxene after their break up, pero okay sa kanyang makatrabaho ito. Okay kaya kay Maxene?

* * *

Gulat na gulat ang isang aktres sa tsismis na buntis ang isa sa mga best friends niya sa showbiz dahil kung totoo, she’s the last one to know na naman. Nangyari na ito sa isa pa niyang actress friend at alam na ng lahat na preggy ito, pero siya clueless.

Kaya nang marinig sa press ang tsismis na may buntis na naman sa friends niya, inusisa ng husto ang press at napatanong: “Are you freakin’ sure she’s pregnant?” At sa tono ng salita, lubos na masasaktan ’pag itinago ng kaibigan ang kondisyon nito.

Anyway, tsismis pa lang naman ang pagbubuntis ng aktres at idinenay na ito ng isa pa nilang friend. Saka, hindi lang naman ang pagkahilo at pagsusuka ang mga basehan para sabihing buntis ang isang tao.

* * *

Salbaheng yaya ang role ni Moi Marcampo sa Magic Palayok at wala itong keber kung ma-typecast sa mga bad roles. Ang importante ay may trabaho siya at excited dahil first regular show niya ito sa GMA 7 kung saan may six-month contract siya.

Happy si Moi sa nangyayari sa kanya’t dati ay yaya lang siya ni Piolo Pascual, ngayon may soap na at ang tsika, ang aktor ang kinausap ng Channel 7 for this project. Kinukuha si Moi ng ABS-CBN para sa Mutya, pero ’di pumuwede dahil sa kontrata.

Lahat nang pagkakakitaan ay tatanggapin ni Moi pandagdag sa more than P500,000 na nakuha niya sa Survivor Philippines Celebrity Showdown dahil balak niyang magkaroon ng restaurant business. Marunong siyang magluto’t pinag-aral ni Piolo sa Academy of International Culinary Arts at sa Saturday ang graduation.

Sabi ni Moi, biniro niya si Piolo ng “Ang sakit-sakit, ten years kitang inalagaan tapos mapupunta ka kay KC (Concepcion).”

Natawa lang ang aktor na nakikita niyang super happy na may GF na simula Oct. 21 last year.

Show comments