Alicia naghubad na parang karne

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng seksing aktres na si Alicia Ma­yer ang katotohanan sa likod ng malupit na industriya ng karne sa mas maraming paraan.

Ito ay dahil si Mayer ay hindi nag-atubiling sumang-ayon sa shoot ng isang bagong pro-vegetarian na patalastas o advertisement para sa People for the Ethical Treatment of Animals Asia (PETA). Sa ad, si Mayer ay hubad na nakahiga — na tila walang buhay — sa isang bakal na lamesa at katabi ng caption: “Meat Belongs in the Morgue, Not on Your Table. Go Vegetarian!”

Si Raymund Isaac ang kumuha ng litrato.

“Hinahamon ko ang mga Pilipino na pag-isipan kung ano talaga ang  ‘karne,’” sabi ni Mayer. “Ang pagkain ng karne, manok at isda ay nanga­ngahulugan ng pagkain ng bangkay ng isang pinahirapang hayop na hindi ninais ang kamatayan. Hinihikayat ko ang mga mabubuting consumer na subukan ang pagiging vegetarian.”

Show comments