Ricky Reyes iikot ng malls para sa hair gloss

MANILA, Philippines - Sa darating na mga araw, makikita ng malapitan ang beauty expert at pilantropong si Ricky Reyes dahil mag-iikot siya sa mga malls para ilunsad ang bagong hair technology ng mga hair salons ni Mother Ricky.

Sa Biyernes, Feb. 18, bibisitahin ni Mother Ricky ang SM Southmall sa Las Piñas City para ipakilala ang Hair Gloss, ang advanced technology na maggagarantiya ng malambot at madulas na buhok sa loob lamang ng ilang minuto.

Kailan lang ay pinagkaguluhan ang Hair Gloss nang mai-feature sa Love ni Mister, Love ni Misis sa GMA 7 at nakatulong pa ito na tumaas ang rating ng show nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

“This is perfect for our men and women on the go,” sabi ng negosyanteng hair expert sa bago niyang ino-offer na Hair Gloss. “Those who cannot afford to miss out on appointments but cannot afford to compromise how they look.”

Ang Ricky Reyes Hair Gloss mall tour ay makikita sa SM Megamall, ngayong Feb. 24; SM Marikina, March 4; SM Novaliches, March 18; SM Calamba, March 25; at SM North EDSA, April 1.

Maraming aasahan sa mall tour tulad ng demo ng Hair Gloss na pinakamatagal na ang 15 minutes at pagpili sa mga mall goers para masubukan ang serbisyo ng libre. Mayroon ding Ricky Reyes Goldies Discount Card at mga seminars sa haircutting, trim, atbp.

Hindi lang iyon, mapapanood din ang GMA Artist Center talent na La Diva at ang K-Pop group Pointen para mas pasayahin ang mall event ni Mother Ricky.

 

Show comments