Kulay asul para sa Super Junior

MANILA, Philippines - Magpapahuli ka ba sa bagong kinababaliwan ng mga bagets ngayon? Tuklasin ang galing ng pinakamalaking stage na nagawa sa buong Pilipinas, ang pagtatanghal ng higit sa 35 na kanta sa loob ng tatlong oras, at ang nagpasikat sa mga kantang Sorry Sorry, Bonamana, No Other, mula sa pinakamagaling na Korean band na may 13 miyembro — ang Super Junior!

Makakahabol pa sa bilihan ng tiket dahil mayroon pang Gen Ad tickets sa lahat ng Ticketnet outlets sa halagang P1,600. Tandaan: Eksaktong alas siyete ng gabi sa Feb. 26 sa Araneta Coliseum, magsuot ng kulay asul para sa Super Junior!

Show comments