MANILA, Philippines - Ilang dekadang naghahatid ng galing at saya ang Viva Concerts & Events sa stage sa pagsuporta sa Original Pinoy Music (OPM). Muli, isa na namang hindi malilimutang performance na tunog Pinoy Pop (P-Pop) ang handog ng produksiyon para sa P-Pop generation.
Tatlo sa pinaka-fresh na grupo ang magsasama para iangat ang OPM. Ang XLR8, Pop-Girls, at RPM ay magko-concert sa April 1 sa P-Pop Explosion sa Aliw Theatre (8:00 p.m.).
Hindi lang powerful vocals ang maririnig dahil kilala ang grupo sa pagbibigay ng mga high-energy dance moves. Walang hindi mapapasayaw sa mga hit singles nilang Dance With Me, Crazy Crazy, You’re So Hot, at Sige Sayaw at walang hindi mai-in love sa mga romantic songs na Kapag Tumibok ang Puso and I Love You Girl.
Ang P-Pop Explosion ay handog din ng MyPhone at Mang Inasal sa pakikipagtulungan ng Channel V.
Makukuha ang tiket sa SM Tickets (470-2222) at Ticketworld (891-9999). Maaari ring tumawag sa Viva Concerts & Events sa 687-7236 para sa iba pang detalye.