^

PSN Showbiz

Bigay daw kasi ng pulitiko bagong bahay ni Jackie itinatago

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Galit na John Lapus2 ang nagsalita sa Showbiz Central dahil sa lumabas sa column ni Jobert Sucaldito na nagwala siya sa The Library dahil   meron itong nagustuhang lalaki na ayaw pumatol sa kanya.

Nagdeklara si John na idedemanda niya si Jobert pati ang editor at ang publisher ng diyaryong sinusulatan nito.

Sinabihan ni John ang TV host-columnist na itutuloy niya ang demanda hindi lang para sa kanya kundi pati na rin sa ibang taong sinisiraan nito. Ilan sa mga binanggit ni John na sinisiraan ni Jobert ay sina Direk Wenn Deramas, Marian Rivera at Dra. Vicki Belo.

Sagot ni Jobert : “I stand by my story. Ikaw ang sinungaling sa usaping ito. Hindi ka nagwala, pero binastos mo si Kiko. Huwag mong gamitin ang airtime at ang show mo para magsinungaling lang. Hawak ko ang buong katotohanan sa kuwentong ito.

“Huwag mong idamay ang ibang tao. Magkakaiba ang isyu namin. Huwag mo ring idamay pati ang anak ko, labas siya sa isyung ito.”

Ang pagkakaalam namin, magsasalita itong si Kiko na diumano’y binastos ni John. Sasabihin niya ang buong katotohanan, kung ano ang ginawa sa kanya ng comedian-TV host.

TANONG : Pinagbawalan nga ba si Jackie Rice ng kanyang ama na ipakita sa TV ang bagong bahay na pinagawa niya?

Kamakalawa ng hapon ay pina-bless na ng young actress ang bagong bahay nito sa Quezon City at kabilin-bilinan ng kanyang ama, walang magku-cover dahil mas gusto nitong mapanatiling very private ang kanilang tahanan.

Proud pa naman si Jackie sa bahay na ito dahil matagal din niya itong pinaghirapan.

Gusto ring pabulaanan ni Jackie ang kumakalat pa noon na intrigang bigay sa kanya ng mayamang pulitiko ang naturang bahay.

TOTOO KAYANG 100 million pesos ang gagastusin ng pelikulang El Pre­sidente na pagbibidahan ni Laguna Gov. ER Ejercito?

Bukod kay Gov. ER, may mga financiers pa siya rito na willing magbuhos ng pera para lang sa pelikulang ito.

Isasali nila ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at ilang international film festivals. Hindi na magkakaroon ng problema si ER kay Sen. Bong Revilla, Jr. na nabalitaan naming pinaghahandaan din nito ang pelikula tungkol sa buhay ni Gen. Emilio Aguinaldo.

Itong El Presidente ni Gov. ER ay kuwento rin ni Gen. Emilio Aguinaldo at ididirek ni Tikoy Aguiluz.

Ang dinig naman namin, itutuloy ito ni Sen. Bong dahil matagal na niyang naipangako ito sa mga taga-Cavite. Kaya ang kinuha rin nitong magdidirek ay ang kapwa Caviteño ring si Direk Joel Lamangan.

TSIKA LANG : Sa Huwebes ay pormal nang ilu-launch si Iza Calzado bilang bagong endorser ng Flawless.

Kapansin-pansin na ang seksing pictorial ni Iza sa billboard ng Flawless pero ayaw pa niyang mag-comment dahil mabuting hintayin na lang daw ang launching nito sa naturang beauty clinic.

Kaya nagpapayat din ng husto ang magandang aktres para maipagma­ma­laki niya ang magandang katawan at ang flawless skin sa launching nito.

BONG REVILLA

CAVITE

DIREK

EL PRE

EMILIO AGUINALDO

HUWAG

ITONG EL PRESIDENTE

IZA CALZADO

JOBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with