Unang Hirit, 11 years na!

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang saya sa Unang Hirit (UH), ang paboritong morning tambayan, dahil nga­yong Lunes, may 11th anniversary celebration na, may sorpresa pang naghihintay para sa isa sa mga miyembro ng UH barkada!

Kasabay din ng celebration ay mapapanood na rin ngayong Lunes ang bagong opening vi­deo at ang bagong set ng morning show.

Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga manonood na lalo pang mapalapit sa UH barkada na binubuo nina Arnold Clavio, Rhea Santos, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching-Pascual, Pia Arcangel, Connie Sison, Love Añover, Susan Enriquez, Drew Arellano, Monica Verallo, Lhar Santiago, Luanne Dy, at Arn-Arn.

Mapapanood ang Unang Hirit mula Lunes hanggang Biyernes, 5:15 hanggang 8:30 ng

umaga, sa GMA 7.

Show comments