Nakita sa gate ng isang network ang isang aktres na madalas mabalitang may maraming problema. Obviously, naghihintay ang aktres ng mga kaibigan o kakilalang artista para makahingi ng financial help.
Kaso ang lahat ng artista ay sa gate na labasan ng mga sasakyang dumadaan at si aktres ay sa pedestrian gate o gate na pasukan ng mga walang car tumambay, kaya hapon na, wala pa rin siyang nakikitang kakilala o kaibigang artista.
* * *
May special participation sa Magic Palayok si Mikee Cojuangco sa role ng original na may-ari ng magic palayok at ina ni Angeli Nicole Sanoy. Si Mikee ang pumalit kay Claudine Barretto na unang in-offer for the said role.
* * *
Sinimulan na ang pre-production ng TV version ng Bagets na co-production ng TV5 at Viva Entertainment. Pumayag na raw maging regular cast ng Bagets sa TV sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Raymond Lauchengco na parehong nasa original cast ng pelikula.
Maggi-guest din daw sa pilot episode ng Bagets ang iba pang cast ng movie gaya nina Eula Valdez, Yayo Aguila, William Martinez, at pati raw si Aga Muhlach na nasa TV5 na rin. Si JC Bonnin lang ang ‘di puwede’t wala na ito sa showbiz.
* * *
Hindi namin alam kung nagpapa-underdog lang si Tuesday Vargas sa mga sagot sa tanong ng press sa pang-ookray sa kanya nina Wilma Doesnt at Shalala na mga kasama niya sa TV5. Minsan, pinagtulungan pa siyang i-blind item ng dalawa sa Juicy, pero okey lang daw sa kanya dahil ang alam niya, friends niya ang mga ito.
Sabi pa ni Tuesday, nagbabatian sila ‘pag nagkikita at si Shalala nga’y textmate pa niya. Big reason pa kay Tuesday para hindi ‘patulan’ sina Shalala at Wilma ay dahil ayaw niyang mag-invite ng negativity.
Sa rami ng projects, gusto ni Tuesday na puro positive ang pumapasok sa isip.
Isa sa new project ni Tuesday ay ang pagiging endorser ng Dulcolax at mag-represent sa Starting Fresh campaign ng gamot for constipation.
Ibinalita rin ni Tuesday na kasama rin siya sa sequel ng Here Comes the Bride at isa pang pelikula ng Star Cinema.
* * *
Co-produced ng Viva Films at SMDC ang Who’s That Girl at sa presscon bukas, present sina Mr. Vic del Rosario at Mr. Henry Sy, Jr. at sasamahan sina Anne Curtis, Luis Manzano, Eugene Domingo, Dina Bonnevie at direk Wenn Deramas.
Ang nabanggit na pelikula ang first co-venture ng Viva Films at SMDC na first time sasabak sa film making. Malalaman kay Mr. Sy kung ano ang mga susunod nilang projects at kung kailangan bang laging Viva Films ang kasosyo sa pelikula.