Aktres mukhang kakainin ng tigre sa bagong billboard

Puna ng mga nakakita sa bagong billboard ng isang aktres : para siyang kakainin ng tigre.

Actually, hindi ko pa nakikita ang nasabing billboard, pero mismong isang showbiz authority ang nagsabi na hindi raw talaga bagay sa aktres ang nasabing billboard na nakikita na sa ilang lugar na daanan ng mga motorista.

Parang nagpapa-sexy na wala raw sa tamang hitsura.

“Pag nakita mo ang billboard, hindi mo talaga siya makikilala kasi talagang ibang-iba ang hitsura niya,” dagdag ng showbiz authority na sobrang beterana sa showbiz kaya alam na niya ang maganda at ang mga nakakalokang hitsura ng mga artistang trying hard na sa kanilang mga ginagawa.

Mark malungkot pa rin ang puso

Malungkot pa rin pala ang puso ni Mark Bautista hanggang ngayon. Ayon sa source, wala pa rin itong girlfriend. bakit kaya?

Charo at Gabby, makakasama ng mga estudyante sa 6th pinoy media congress

Makakasama ng mahigit isang libong estudyante ng komunikasyon ang malalaking pangalan sa media sa pangunguna nina ABS-CBN Chairman-CEO Eugenio “Gabby” Lopez III at ABS-CBN President-COO Charo Santos-Concio sa 6th Pinoy Media Congress ngayong Pebrero 22 at 23 sa Unibersidad ng Santo Tomas College of Medicine Auditorium.

Kasama nila Charo at Gabby ang iba pang lider ng ABS-CBN, ang pinakamalaking organisasyon sa media, upang magbahagi ng kaalaman sa mga kabataan alinsunod sa temang Engaging People and Media Participation for Change.

Ilan sa mga dadalo mula sa ABS-CBN upang talakayin ang mga isyu sa media sina ABS-CBN Head of Marketing Cookie Bartolome, ABS-CBN Head of News and Current Affairs Ging Reyes, ABS-CBN Regional Network Group Head of News Charie Villa, ABS-CBN Head of Creative Communications Management Robert Labayen, ABS-CBN Head of Digital Brand Management Carlos Mori Rodriguez, ABS-CBN Head of Programming Richard Reynante, at si ABS-CBN Foundation Managing Director Gina Lopez.

May pagkakataon din ang mga delegado na magtanong at magpahayag ng komento sa open forum kasama sina Santos-Concio, Reyes, ABS-CBN Channel 2 Head Cory Vidanes, ABS-CBN Head for Customer Business Development Vivian Tin.

Anim na taon nang nakikipagtulungan sa Philippine Association of Communication Educators ang ABS-CBN para sa pag-oorganisa ng Pinoy Media Congress, na dinadaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

 Ayon kay ABS-CBN Head of Corporate Communications Bong Osorio, ito ang paraan ng Kapamilya Network na tulungang maihanda ang mga estud­yante sa larangang papasukin nila.

 “Bilang lider sa industriya, gagawin ng ABS-CBN ang lahat upang ma-inspire ang mga bata to BIDA BEST at maging mahusay, responsable at makabayan na communicators sa hinaharap,” aniya.

 Naniniwala ang ABS-CBN na malaki ang magagawa ng mga estudyante upang mabuklod ang bansa tungo sa pagbabago. Ginagawa na ito ng Kapamilya Network sa pamamagitan ng mga kampanya tulad ng Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula at Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig.

Juday sa show ni Ryan unang babalik

Magbabakbakan na ang walong Hall of Famers at isang wildcard grand finalist sa Talentadong Pinoy stage para sa Talentadong Pinoy Battle of the Champions sa darating na March 12 at 13 sa Ynares Center, Antipolo City.

Ipapalabas ng live sa regular na timeslot ng Talentadong Pinoy (pagkatapos ng L.O.L. tuwing Sabado at pagkatapos ng Magic Gimik tuwing Linggo), ang Battle of the Champions.

Maglalaban-laban sa Talentadong Pinoy stage ang walong mahuhusay na Hall of Famers : Joseph the Artist, Beatbox Gor, The Believers, New Born Divas, Sfazhiva, Zion Show, Fire Attraction and RR Friends.

Isa sa magiging judge sa gaganaping finals si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Ito ang first time na lalabas si Juday sa TV after niyang manganak sa panganay nila ni Ryan na host ng Talentadong Pinoy na unang programa ng TV5 na nag-rate nang bonggang-bongga.

Show comments