^

PSN Showbiz

Bea bumigay na kay Zanjoe

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Hanggang ngayon ay marami ang curious at nagtatanong kung ano na ba ang real status nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Nag-date ang dalawa noong Valentine’s Day.

Kuwento ng aktor, “Nandun siyempre ’yung bulaklak, tapos nag-dinner, ganun, simple lang.”

Pero si Zanjoe na rin ang nagsabi na kahit simple ay naging sobrang espes­yal ng date nila ni Bea.

“Sobrang ayoko nang i-share sana, para sa akin ay hindi siya ordinaryong araw. Hindi siya ordinaryong okasyon na ginagawa ko sa sobrang espesyal niya, gusto ko siyang itago, sa akin na lang,” pakiusap ni Zanjoe.

Tuloy, ang iniisip ng marami ay napasagot na ng binata ang aktres since very special ang kanilang naging Valentine’s date.

Pero itinanggi ito ng aktor. Sabi niya, “Nasa proseso pa rin ako ng panunuyo.”

Samantala, isang bagong proyekto ang kinabibilangan ngayon ni Zanjoe dahil nagtapos na ang teleserye nilang Kristine.

Magbibida siya sa seryeng Hiyas na sinisimulan na ngayon. Masayang-masaya ang aktor dahil maganda ang role niya sa nasabing project at personal choice rin siya ng mga producers para gumanap sa serye. “Nakakatuwa saka ang sarap ng pakiramdam na ganun ’yung naririnig mo, na noong binubuo nila ’yung proyekto ang unang pumasok sa isip nila ay ako ’yung character na gaganap so parang hindi ko naman naisip na puwedeng mangyari ’yung ganung mga bagay,” sabi pa ni Zanjoe.

Makakasama ni Zanjoe sa seryeng Hiyas sina Joross Gamboa, John Arcilla, Noni Buencamino, Kristel Moreno, Neri Naig, at ang pinakabago niyang leading lady na si Megan Young.

“Na-excite ako kasi bago. Ngayon ko lang siya makakatrabaho, ngayon ko makikita kung bagay ba kami o maganda ’yung tatakbuhin ng pagpa-partner namin,” sabi ni Zanjoe tungkol sa makakapareha.

Sam walang nagawa nang makita si Anne kasama ang bagong dyowa

Isa sa mga naging kontrobersiyal na break-ups sa showbiz ay ang paghihiwalay nina Sam Milby at Anne Curtis noon.

Ngayon ay masaya si Anne sa kanyang rumored boyfriend na si Erwann Heussaff habang si Sam naman ay single pa rin.

Muling nagkita sina Anne at Sam sa birthday party ng stylist na si Liz Uy last week. May lumabas pa na photo na magkakasama sina Sam, Anne at Erwann.

Paano kaya ang naging pagkikita for the first time nina Sam at Erwann?

“When I was there, wala kaming problema. Nag-hi ako sa kanilang lahat. Nothing bad at all, fun naman,” sagot ni Sam.

Sa pagiging single ni Sam ay hindi pala niya ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso. At ayaw niya itong tawaging Valentine’s Day.

“Para sa akin, single awareness day. Hindi naman sad. Masarap talaga na may love life pero sa ngayon, sa kasalukuyan, ay wala akong kasintahan. Ginagamit ko bagong words ko, wala akong love life,” nakangiting pahayag ng binata.                   — Reports from JAMES C. CANTOS

ANNE CURTIS

BEA ALONZO

ERWANN

ERWANN HEUSSAFF

HIYAS

JOHN ARCILLA

SAM

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with