Inookray ng mga Amerikano ang outfit ni Congressman Manny Pacquiao nang makipagkita ito kay US President Barack Obama noong Miyerkules.
Ill-fitting daw ang pang-itaas na suot ni Manny dahil malaki ito sa kanya.
Napanood ko sa TV ang interview kay Manny nang lumabas ito mula sa loob ng White House at presentable naman ang kanyang bihis. Insecure lang siguro ang mga Amerikano na umookray sa kanyang damit dahil si Manny ang pinapaboran ni Papa Barack sa laban nila ni Shane Mosley sa Las Vegas sa May 7.
* * *
Big deal din sa mga Amerikano ang long hair ngayon ni Manny. Ang sey ni Manny, suwerte siya kapag mahaba ang kanyang buhok at mukhang hindi siya magpapagupit hanggang hindi natatapos ang laban nila ni Mosley.
Sorry na lang sa fans ni Justin Bieber dahil hindi ang hairstyle nito ang kinopya ng Pambansang Kamao. Sinabi ni Manny sa foreign press na ang buhok ng Chinese action superstar na si Bruce Lee ang ginaya niya, hindi ang buhok ni Justin.
* * *
Mikael Daez ang name ng other leading man ni Marian Rivera sa Amaya. Nakilala ko si Mikael sa Sampaguita lounge ng Ninoy Aquino International Airport habang waiting ako sa aming flight papunta sa Hong Kong.
Commercial model si Mikael. Lumabas siya sa TV ad ng isang sikat na hamburger house. Graduate ng Ateneo de Manila University si Mikael na nangangarap na maging TV host pero sinuwerte na maging kapareha ni Marian sa Amaya dahil nakapasa siya sa audition.
Umapir si Mikael sa story conference ng Amaya noong Miyerkules. No show si Sid Lucero kaya naging pahulaan kung matutuloy ang pag-oober da bakod niya sa Kapuso network.
* * *
Malayo pa ang Valentine’s 2012 pero kinokontrata na ni Mother Lily Monteverde si Richard Gutierrez para sa Valentine movie project sa susunod na taon.
Maligayang-maligaya si Mother Lily dahil tumatabo sa takilya ang My Valentine Girls na habang tumatagal eh malakas ang staying power dahil sa word of mouth na maganda at entertaining ang pelikula.
Co-production venture ng Regal Films at GMA Films ang My Valentine Girls. As of last Tuesday, more than P50 million na ang box-office gross. Ang sey ni Mama Annette
* * *
“No comment” ang sagot ni Solenn Heussaff nang usisain siya ng press people kung totoo na hawak-kamay sila ni Richard Gutierrez habang nanonood ng sine sa Rockwell noong Martes.
Naka-smile lang si Richard pero base sa kanyang reaksiyon, totoo ang holding hands issue na hindi masama dahil pareho silang single ni Solenn.
Inaasahan ng fans na lalong magiging close sina Solenn at Richard dahil kahit wala silang pelikulang ginagawa, magkasama pa rin sila sa Captain Barbell na four times a week ang taping.
* * *
Nabasa ko ang plano ng TV5 na gawin na another Mel Tiangco si Amy Perez kaya starring na rin siya sa early morning show ng Kapatid network.
Huwag tayong magtaka kung mapanood natin si Amy na naghahatid ng mga balita sa primetime news dahil sa balak na i-reinvent siya ng TV5.