Koreans bumilib kina Aljur at Frencheska

MANILA, Philippines - Dalawa sa sikat na talent – sina Aljur Abrenica at Frencheska Farr ang kinilala sa Korea sa gina­nap na 2011 Asia Model Festival Awards. Pareho silang tumanggap ng Model Star Award ci­tations bilang pagkilala sa kanila bilang mga ar­tis­tang tini­tingala ng mga kabataan.

Isang pagpapatunay ito na kasalukuyang nag­ni­­ningning ang kanilang mga career.

Patuloy ang magandang takbo ng career ni Al­jur dahil sa Machete habang si Frencheska naman ay isa sa most visible singers pagkatapos ng ground-breaking stint as lead star sa kauna-unahang full-length musical na Emir.

Ang nasabing Awards night ay ginanap sa Olym­pic Hall ng Korea’s Olympic Park at kasama sa mga dumalo sina Jerry Yan ng Meteor Garden and Kwon Sang Woo (Cholo) ng Stairway To Heaven.

“Nakapagpa-picture pa si Frencheska kay Jerry Yan,” recalled Jenny Donato of GMA Artist Center na kasama ng grupo ng Kapuso stars.

Nag-perform din si Frencheska kung saan kumanta rin ang ilang K-pop artists. Kinanta niya ang Everytime.

At ang nakakatuwa, impressed daw ang mga Koreans sa galing ni Frencheska.

Nagsilbi namang presentor sa Asia Model Fes­tival awards for best child model category ang GMAAC head na si Ms. Ida Henares.

“We are really delighted to be part of this yearly gathering of artists from 13 countries. The Festival organizers are very appreciative of our support. We hope our artists will keep on contributing greatly to their vision of rich cultural exchange via this festival,” sabi ni Ms. Ida.

Show comments