Bossing Vic nakipag-kiss na sa SanMig

MANILA, Philippines - Kumpirmado na si Bossing Vic Sotto na ang bagong endorser ng San Miguel Pale Pilsen. Katunayan, tapos na raw ang lahat ng preparasyon mula sa shooting ng TV commercial hanggang sa recording ng radio commercial.

Join na si Bossing sa mga dati nang miyembro ng masayang Pale Pilsen barkada composed of ace comedian Michael V., heartthrob Derek Ramsay at billiards king Efren “Bata” Reyes.

It’s about time. Ang San Miguel Pale Pilsen ay isa sa mga pinakamalaking brands sa bansa, at kilala ito sa maraming dako ng mundo. Kilala rin ito sa pagpili ng mga endorsers na nagtagumpay na sa kani-kanilang industriya.

At sa lahat ng mga malalaking artista ngayon, si Bossing na talaga ang pina­ka-bagay mag-endorse ng San Miguel Pale Pilsen, ang nag-iisang beer na matagal nang bahagi ng buhay nating mga Pinoy. Tulad ng katayuan ni Bossing sa showbiz sa matagal nang panahon.

Napag-alaman din namin na isang ‘kiss’ ang nag-seal ng deal para sa long-time samahan na ito ni Bossing at ng San Miguel Pale Pilsen, at ito raw ay makikita sa bagong commercial.

Si Bossing kaya ang directly involved dito? At kung si Bossing nga ang involved sa mahiwagang halik na ito, sino kaya ang nakatanggap ng kiss?

“Tiyak masu-sorpresa kayo!” ang sabi lang ni Bossing.

Show comments