Hindi alam ng marami ang kaibahan ng pagiging soulmates sa pagiging friends lamang ng dalawang tao, lalo‘t sa pagitan ng isang babae at isang lalaki. Lalong mahirap maintindihan kung ano ang pagkakaiba kung hindi ang kanyang soulmate na si Luis Manzano ang itinuturing ni Anne Curtis na greatest love niya kundi si Sam Milby.
Bago si Sam, nagpakita na ng palatandaan ng isang magandang relasyon sina Luis at Anne. Pero hindi ito ang karaniwang relasyon ng isang lalaki’t babae. Ang tawag nila rito ay soulmates, more than friends pero less than being lovers. Bagaman at marami ang kumbinsido na ang closeness nila, the kissing, hugging, and embracing ay ginagawa lamang ng mga mag-on, between Anne and Luis, ‘yun ay tanda lamang ng pagmamahalan at hindi ng pag-iibigan.
At maski na ngayong sinasabi ni Anne na ang greatest love niya ay Sam Milby sa kabila ng pangyayaring meron na silang relasyon ni Erwan Heussaff, hindi nawawala sa kuwadrong kanyang buhay si Manzano, pet name niya kay Luis. Katulad ng pagmamahal nito kay Sam, hindi magmamaliw ang nararamdaman niya para kay Luis.
“Yung namagitan sa amin ni Sam ay hindi na mamamatay, mananatili ‘yung nasa puso ko, pero walang love. Ganundin naman si Manzano, hindi pag-ibig ang nag-uugnay sa amin but a deep respect for each other and our friendship. No matter what happens in the future mag-asawa man kami pareho, hindi magbabago ang closeness namin.
“Yung reationship namin ni Erwan, kung mag-end ito sa marriage I can not yet tell but I’m hoping. Ayoko nang mag-expect. Nabigo na ako before and I don’t want this to happen again. But I’m open to a deeper relationship, something more than friendship. I’d like to settle down and have children na makakasabay kong lumaki, mag-grow. Ayokong matanda na ako bago ako magkaanak,”sabi niya.