MANILA, Philippines - Loaded ang mga love songs sa post-Valentine concert dalawang grupo na magkahiwalay ang henerasyon — ang Voizboys at Rainmakers — para sa Voizes in the Rain na gaganapin sa Music Museum, Feb. 18, 8:30 p.m. Hindi lang sila ang mapapanood dahil kasama rin sina Janet Basco, Rep. Lani Mercado, at Tuesday Vargas bilang special performers.
Ang boyband ng dekada na Voizboys ay sina Nico Antonio, Guji Lorenzana, Jay-R Siaboc, at Tom Rodriguez. Hindi naman magpapahuli ang grupong Rainmakers na sina Joel Macanaya, Mon Villanueva, Joseph Lansang, at Jojo Gorospe dahil patok ang kanilang mga kanta noong dekada 70.
Ang 10-track album na Fusion na inilabas ng Voizboys noong isang taon sa ilalim ng Quantum Music at ini-release ng Star Records ay may pitong orihinal na kanta at tatlong remake. Si Mon ng Rainmakers, na kamag-anak ni Nico, ay may dalawang komposisyon dito, ang You and Me at Maria Clara.
Ang Voizes in the Rain ay produced ng Quantum Music at mabibili ang tiket sa kanilang opisina at sa Music Museum. Para sa mga detalye, tumawag sa 887-0226 at 887-7698.