Priscilla Meirelles ayaw pang magkaanak kay John

Kamakailan ay ibinahagi na sa atin ni John Estrada ang ilang detalye tungkol sa kasal nila ni Priscilla Meirelles na magaganap sa Feb. 26. Ngayon pa lamang ay very excited na rin si Priscilla sa pag-iisang dibdib nila ni John.

“I am very excited kasi itong wedding, not just for us. Gusto ko talaga to make people, the people part of that wedding to be special, na it’s for them so meron akong maraming surprises,” nakangiting pahayag ni Priscilla.

Sobrang hands on daw ng bride to be sa preparations habang busy naman daw si John sa mga showbiz commitments nito. “Sobrang busy ako kasi lahat sa akin talaga kasi wala siyang (John) time, everything is pretty much. We’re just like fixing the last minute stuff,” dagdag pa ng beauty queen.

Very satisfied si Priscilla sa wedding gown na kanyang isusuot on her special day. “It’s off white, on my first meeting with Randy Ortiz we started with a design, and along the way it changed completely, pero maganda sobra. If I were to use one word to describe the gown, it’s perfection,” kuwento pa ni Priscilla.

Isang espesyal na pagtitipon din daw ang inihahanda nina John at Priscilla para sa guests at kasali sa entourage one day before their wedding date. “Sa gentlemen, meron kaming golf tournament, while they are playing golf, I have a sparty for my friends. Party a little bit, have some fun, girls together. Meron na kaming rehearsals and dinner,” pagdedetalye pa ng bride to be.

Wala na raw planong mag-honeymoon sina John at Priscilla pagkatapos ng kanilang kasal.

Inamin din ni Priscilla na hindi pa rin niya priority na magbuntis this year. “It’s very important ‘yung first and second year of marriage because that’s the time that you enjoy each other’s company and experience things like a couple. So gusto ko muna to enjoy first tapos babies. Gusto ko isang babae, isang lalaki pero si John gusto niya dalawang lalaki kasi meron siyang maraming babae pero ako ‘yung mother so he doesn’t have a choice,” natatawang pagtatapos pa ni Priscilla.

Venus Raj, kabado pa rin sa pagiging host

Pangalawang linggo na ngayon ni Venus Raj bilang host ng Umagang Kay Ganda. Maayos at magaling na ang pagho-host ng beauty queen at maganda rin naman ang sarili niyang segment sa nasabing morning show. Pero hanggang ngayon pala ay kabado pa rin si Venus sa kanyang trabaho bilang host ng programa.

“Pagdating na pagdating ko ng studio ay may script na po ba? Binabasa ko talaga muna ‘yung script bago ko binabasa ‘yung prompter kasi hindi nga ako sanay na umaandar ‘yung binabasa ko, pero sobrang saya ko kasi ‘yung mga kasama ko they are very much willing na turuan ako,” maikling kuwento ni Venus. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments