^

PSN Showbiz

2 showbiz personalities nagbabangayan para kina Angel at Phil

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May slight tarayan sa Twitter sina Tim Yap and TJ Manotoc dahil kina Angel Locsin at Phil Young­husband ng Philippine Azkals. Nagsimula ang lahat sa tweet last Saturday si Tim ng “Just learned that Phil Younghusband will be going out on a date with Angel Locsin tomorrow (kahapon). They’re gonna go to target shooting. Hanep!”

Sinagot ni TJ ang tweet ni Tim ng “Sorry folks. I just checked with Phil & as per him, the shooting range date ain’t true, hold your horses.”

Na sinagot ni Tim ng “I was with the Azkals the whole night last night (Saturday) for a private party and I was tweeting at the same time. I stand by my tweets.”

At sinundan pa ng “Well, let me quote who told me last night — his own brother James. There are certain things not ‘revealed’ just to anyone.”

May kasunod pang tweet si Tim, “Maybe they’ll deny it na after this which is their prerogative, ­really. TJ, you should do showbiz news with Gretchen Fullido.”

Sagot ni TJ, “Tim heard it from James, I heard it from Phil, so pls. don’t pit me & my friend Tim vs. each other. Just ask James & Phil. Peace.” Sinundan ito ng “Follow me Tim so I can dm.”

O, ’di ba dahil kina Angel at Phil, may mag-aaway pa at sabi pala ni Tim, may mga iba-block siya sa Twitter at feeling namin si TJ ’yun.

* * *

Nagbago na ang cast ng remake ng Temptation Island ng Regal Films at kundi uli magbabago, sina Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Heart Evangelista na ang apat na mga bidang babae. Sa apat na cast, si Marian na lang ang natira sa original cast, the rest ay bago na.

Dahil siguro sa nagmumurang kaseksihan nina Lovi at Solenn sa My Valentine Girls, kaya naisip ng Regal Films na isama na sila sa cast. As for Heart, siya ang latest na nadagdag. Nawala ang original cast na si Andi Eigenmann at ang akala namin ay kasama si Carla Abellana.

Inaayos na ang schedule ng apat at sisimulan na ang shooting ng movie to be directed by Chris Martinez na super hit ang Gunaw episode nina Ri­chard Gutierrez at Eugene Domingo sa My Valentine Girls na showing pa ngayon.

* * *

First Valentine’s Day nina Carla at Geoff Eigenmann, pero wala silang kongkretong plano dahil may taping sila ngayong araw ng Magic Palayok. Sabi ng dalaga, baka mag-dinner na lang sila after the taping.

“Valentine’s Day is no big deal for us because any day is V-day for us. Ang gusto ko lang, mag-dinner kami ni Geoff kahit saang resto na may masarap na food at walang masyadong tao,” sabi ni Carla.

Ano pala ang masasabi ni Carla na ang ex niyang si JC Intal ay nanliligaw kay Bianca Gonzales na hindi pa niya nakikita in person?

“Natutuwa ako na he can love again at nakikita kong masaya siya. May communication pa rin kami ni JC, although hindi kami nagkikita. Sa Facebook, umamin siya sa panliligaw kay Bianca, pero ’di ako nagtanong, tinutukso ko nga siya,” sabi ni Carla.

Ang Magic Palayok pala ang ipapalit sa Bantatay at magpa-pilot na sa Feb. 28 sa direction ni Joel Lamangan na director din nila sa Basahang Ginto.

* * *

Kanya-kanyang layasan ang ibang showbiz couple para makapag-celebrate ng Valentine’s Day. Sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay ay umalis kahapon for Bali, Indonesia.

Sina Paulo Avelino at LJ Reyes, pumunta ng Boracay kasama ang baby nilang si Aki. Tiyak marami pang couples ang nasa Boracay ngayon.

Sabi umalis din kahapon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes for Hong Kong pero napanood namin sila sa Party Pilipinas. After the show siguro sila lumipad.

* * *

Si Christopher de Leon ang guest this week sa Bantatay at gagampanan niya ang role ng presidente ng bansa na nagbigay ng award kina Marcela (Gelli de Belen) at mga anak dahil nahanap nila ang gintong kalasag ni Lapu-Lapu.

Isinama ni Christopher ang mag-anak sa Cebu para dalhin ang kalasag sa museum dun sakay ng barko. Madidiskubre ng mga bata na may assassination attempt sa pangulo at kasama nila sa barko ang mga papatay sa presidente.   

ANGEL LOCSIN

CARLA

MARIAN RIVERA

MY VALENTINE GIRLS

REGAL FILMS

TIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with