Sakit at pait na naramdaman hindi na itinago ni Sarah

MANILA, Philippines - Kung dati, magaling na si Sarah Geronimo, mas magaling pa siya sa Valentine concert nila ni Martin Nievera, What Love Is, sa punung-punong Araneta Coliseum last Saturday night.

Mas malalim na siyang bumanat at parang relate na relate sa mga pinili niyang kanta para sa nasabing concert nila ni Martin.

Like nang kantahin niya ang Someone That I Used To Love and Almost Over You.

Parang maluha-luha pa si Sarah habang kumakanta.

May mga dialogue pa siya na “Hindi masasaktan ang isang tao kung hindi siya totoong nagmahal.”

Ramdam ng buong Araneta Coliseum ang pait at sakit na pinagdaanan niya sa isang lalaki na pinagkatiwalaan niya pero niloko siya.

Pero bukod sa kakaibang feelings sa bawat kanta, magaling talaga siya kahit sa mga duet nila ng Concert King na puring-puri at panay ang pasasalamat sa Pop Princess. Sabi nga ni Martin: “It’s been an honor, a privilege, a dream come true. I have seen the future while I’m still alive.”

Wala ring tatalo sa hatawan ng sayaw sa singer-actress. Parang Michael Jackson ang galaw niya.

At ang mga sinuot niya – apat – na apat ding designer ang gumawa, ang sexy na niya at tala­gang hahabulin siya ng maraming lalaki.

Nasa audience sina Gerald Anderson na leading man niya sa pelikulang ginagawa niya nga­yon. Ipinakilala pa sa stage si Gerald at nag-promote pa sila ng pelikula under Star Cinema and Viva Films, Just The Way You Are.

Andun din sina Christian at Mark Bautista sa audience.

Swak ang kombinasyon nina Sarah at Martin sa kabila ng generation gap nila. Si Martin, nag-adjust sa audience ni Sa­rah. Kinanta niya ang mga hit songs ni Bruno Mars at kumanta siya ng Justin Bieber sa kanyang sariling version na nung una ay hindi namin na-recognize na Bieber song pala.

Nag-K pop din si Martin. Nakakaaliw ang hitsura niya.

Si Sarah ay kumanta ng mga classic love songs and new songs na rin like Fireworks of Katy Perry.

Kung siguro walang may hawak ng title na Concert Queen, nakahanap na sana si Martin ng bagong Concert Queen.

Ang ganda ng kabuuan ng concert – from stage, fireworks, outfits, and songs.

Lahat ng mga nanood ay puring-puri ang nasabing concert.

Show comments